Fruits

glass-placeholder

Strawberry (Presa)

Fruits

Nutrients

iron, copper, magnesium, phosphorus, vitamins B6, C, K, and E, manganese, folate (vitamin B9), potassium, pectin, dietary fiber, folate and cellulose

Pregnancy

Ang mga mom-to-be ay puwedeng kumain ng presa. Ito ay pampapigil ng bleeding gums at nakakabuti ng digestion. Nakakabigay rin ito ng energy at magandang balat. Ang folate na mayroon ito ay mabuti para sa brain at spinal cord development ng iyong baby.

Postpartum

Puwedeng kumain ng presa ang mga nanay na kapapanganak pa lamang. Ito ay nag be-benefit sa iyong digestion at pampaganang kumain pati na rin nakakawala ng pamamaga. Ito ay nakakatulong sa iyong immune system at paggaling. Nakakabura rin ito ng mga stretchmark at peklat.

Breastfeeding

Ang mga breastfeeding moms ay puwedeng kumain ng presa. Ito ay may maraming mga vitamin at mineral at nakakabuti ito para sa iyong digestive system at nakakawala ng constipation.

Baby

Ang iyong baby ay puwedeng kumain ng presa sa edad na 6 buwan. Ang prutas na ito ay mayroong maraming vitamin at mineral na makakatulong sa digestion at intellectual development ng iyong anak. Paalala lang na ihiwa ito bago ipakain sa iyong baby ara makaiwas sa choking risks.