Dietary fibre, Manganese, Potassium, Biotin, Vitamin B1, Copper, Iron, Vitamin C, B2 and K, Omega-3 fatty acids, Vtamin B6, Phosphorus, Chromium, Magnesium, Folic Acid, Calcium and Pantothenic Acid
Ang mga nagbubuntis ay maaaring kumain ng lettuce. Puno ng sustansya, pinoprotektahan ka nito mula sa sakit, nagbibigay ng glowing skin at malagong buhok, at nakakapagbigay kay baby ng mga importanteng nutrients upang lumaki ng maganda. Hugasang maigi ang lettuce upang matanggal ang mga natirang pesticide.
Maaaring kumain ng lettuce matapos manganak dahil nakakatulong din ito sa pag-iwas sa anemia kung maraming dugo ang nawala sa panganganak.
Ligtas kumain ng lettuce habang nagpapasuso. Ang natural na fibre nito ay nakakatulong sa pag-iwas sa constipation at dahil wala itong fat, hindi kailangan alalahanin ang madadagdag sa timbang.
Ang baby ay maaaring kumain ng lettuce pagdating ng 6 na buwan na edad. Ang sustansya nito ay nakakapagpatibay sa immunity at brain development ng baby. Alalahanin na hugasan nang mabuti upang matanggal ang mga naiwang pesticide bago ibigay kay baby.