Ang hubby ko ay parang sementong matibay dahil kahit anong problema, kahit anong sakuna, kahit anong pinag dadaanan at kahit anong away hinahanapan niya ng solusyon at hinding hindi siya bumibitaw at sumusuko hanggat hindi niya nagagawan ng paraan ang isang bagay. Alam ko pagkakaroon ng anak sa edad na 18 ay mahirap pero wala akong pinag sisisihan dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkamali sa pinili kong lalaki na magiging tatay ng anak ko dahil alam ko sa simula palang napaka swerte ko na sakanya, nung araw palang na nalaman niyang buntis ako napakasaya niya kahit hindi pa kami ready dahil bata pa kame pero hindi niya inisip yon at pinanindigan niya ko at walang araw na hindi ako nabibilib sakanya. Maraming problema ang dumating at maraming pang dodown ang natanggap namin but still hindi siya nag paapekto at eto parin siya ginagawa ang responsibilidad niya sa pag aalaga sa anak namin at pagmamahal sakin, minsan kahit mga gawain ko siya na gumagawa. Kinuhanan ko tong picture na to nung 1 week palang baby namin, yan yung unang picture nilang magtatay, ngayon 8 months na si baby. Kaya ikukumpara ko siya sa sementong matibay dahil hinding hindi siya matitibag kahit anong mangyare. #AmazingTatay
4y ago
- Share