Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
teething stage
Nag-aalala ako sa baby ko. 1 year old na siya at tinutubuan siya ng pangil ngayon. First time mom kaya worried ako. Panay siya iyak at ayaw mahiwalay sa akin. Dumedede naman siya kaso 3-5 onz lang. Kumakain din ng solid pero kaunti. Umiinom din ng tubig, onti lang din. Nagtatae siya ngayon. Ngayong araw, nakatatlong beses. Mayroon din siyang ubo, sipon at lagnat. Ang pinakamataas niyang temperature ay 39.1. Worried ako. Teething stage ba ito? Huhu.
Lactum mix with LF
mga mhie, iyong baby ko kasi nagtae kaya naglactose free ako. 3 days na siyang hindi nagpopoop at ayos na poop niya kaya niregular milk ko na siya kaso nagtae ulit, basa iyong poop niya at color yellow. kaya ang ginawa ko, NAN AL mix with lactum. sa isang araw, isa o dalawang beses siyang nagpopoop kaso basa. normal ba iyon?
Nauntog ang ulo ni baby
hi mga mhie, hindi ko sadyang mauntog ng mahina si baby sa pader dahil bigla siyang umunag. mahina lang naman pero nababahala ako dahil parang lumubog iyong part na nauntog, lumambot siya. dapat ko bang ipacheck up? hindi naman siya umiyak at tulog pa rin nang mangyari. #newbornbaby
TAHI NG BAGONG PANGANAK
mag-2 weeks pa lang ako pagkatapos manganak at maliit lang tahi ko. ngayon bakit wala na akong makapangsinulid? may yellow discharge rin ako. hindi ko alam kung nana ba o ano. napapaisip kasi ako kung bumuka ba o normal. nitong nakaraan kasi may nakakapa akong nakadikit. kapag umiihi naman ako hindi mahapdi at hindi masakit ang tahi ko.
Sign of labor ba ’to?
Sumasakit puson ko everynight. Minsan naman tiyan ko. Mahigit 2 weeks na siya. Ngayon naman sobrang sakit ng buong kaliwang binti ko, ang sakit niya kapag nilalakad, dalawang araw na ’to. No’ng nakaraan is may discharge akong puting malapot na parang sipon, marami, tatlong beses yata iyon. This week ay wala, puro puti at kulay dilaw. Iyong puti ay walang amoy at itong kulay dilaw ay malangsa kahit wala kaming do ni jusawa. Anong ibig sabihin n’on?