Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Hoping for a child
Very helpful
Malakinh tulong ang breast pump para magkaron ako ng sapat na milk para kay LO
Okay naman. Ginagawa nya ang dapat na gawin nya. Convenient na din lalo kailangan mag brest feed kay LO. So far, okay na
The PT Result
Sa totoo lang di ko alam paano uumpisahan ang kwento ko dito. Dalhin ko na lang muna kayo sa memory lane. Fast lang. Kami ni Joana ay nagkakilala sa isang music app, pareho kaming mga sawi sa pagibig. Hindi namin inaasahan na madedevelop kami sa isa’t isa ng hindi nagkikita ng personal at naguusap lamang sa isang app. It was a long distance relationship in a middle of covid pandemic. Sabi nga, LDR means Lock Down Relationship noong September 2020. Hanggang sa nagdecide na kami magkita dahil lumalalim ang relasyon namin at hindi man lang kami nagkikita dahil sa banta ng covid virus. Naalala ko nung una namin pagkikita, awkward, pero later on nasanay din kami na nahahawakan na namin ang bawat isa. Naghiwalay kami sa unang pagkikita na yun sa nakakatawang pagkakataon, hahalikan ko sya sa labi pero nagbeso lang sya sa akin. Yes, nagbeso sya dahil hindi daw sya sanay na makipag lips to lips. Pero sa palagi naming pagkikita, nasanay na kami sa bawat isa, sa bawat topak ng bawat isa. Ako ay 38 at 34 naman si Joana. Pareho na kaming hinihingian ng apo ng mga magulang namin. Pressured kami dahil naniniwala kami pareho na dapat ikasal muna bago mag sex. Kaya ang ginawa ko, sa 1st anniversary namin ay nagpropose na agad ako ng marriage kay Joana and she said Yes! Then we planned our marriage na, pero linunok namin pareho yung belief namin na Marriage before sex. May nangyari sa amin ni Joana hanggang sa sunod sunod na at magkasama na kami sa bahay. May PCOS si Joana at hindi regular ang mens nya kaya nagpa work up sya sa kanyang OB. Buwan buwan nagkakaroon na sya, minsan late minsan naman advance. Dahil hindi naman sya nabubuntis sa ilang buwan na kami ay magkasama, patuloy lang kami sa routine namin. Alam ko baka maraming magtaas ang kilay dyan, pero katulad nyo, hindi rin kami perfect at hinihingi namin ng tawad sa Lord ang kapusukan namin. Imagine nasa pareho na kaming 30’s pero ganito pa din ang mind set namin, probably dahil pareho kaming breadwinners at nagprovide sa family bago ang sarili. May plano na kami na magpakasal itong June pero di namin inaasahan ang balita na nagbabago ng desisyon namin. January 31, 2022, namalengke ng maaga si Joana at mabigat yung pinamili nya. Usually kasama ako sa pamamalengke pero hindi nya ako ginising dahil daw ang sarap ng tulog ko at ayaw nya mangistorbo at kaya naman nya. Pagdating nya sa bahay, ginising nya ako agad agad, nagtaka ako bakit. Sabi nya, “masakit ang puson ko” na malungkot ang mukha nya. “Tignan mo to” sabay turo sa desk sa kwarto. Makikita ang dalawang PT na may dalawang malinaw pa sa tinta na lines. Positive! Buntis si Joana! Nagyakapan kami at nagiyakan. Hindi kami baog! Nung araw na yun inamin namin pareho sa parents namin at pareho lang ang mga sagot nila, “Congrats, di kayo baog.” Nagpa check up kami agad nung araw din na yun at dun nga namin nalaman na less than 5 weeks pregnant si Joana. — to be continued —