Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Hirap na akong mabuntis.
Hello mga mi ! Sabik na sabik na po akong mag ka baby ulit . Mag 9 na anak ko (anak sa pagkadalaga) tapos ako mag 29 na . Binata po ung partner ko mag 7 yrs. Na kami pero di parin ako mabuntis madami na kaming tinry ang hindi nalang eh ung magpa laboratory tumigil kami sa mga meds kase medyo masakit sa bulsa . Tuwing nanaginip ako ng baby parang ayoko ng gumising 😊 kagabi nanaginip ako na bagong panganak ako at nag papadede sobrnag miss ko na may baby . Dasal ako ng dasal na sana kahit isa manlang para may kapatid ung anak ko na king sakaling mawala ako sa mundo meron syang kasangga sa mga problema . Minsan nawawalan nako ng pag asa . 🥲regular naman regla ko . Hays cheer me up mga mommy 🥲