Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Domestic diva of 1 energetic cub
Normal lang ba na di nako halos kumakain simula nung nanganak ako?
Hi mga Mommies. New here. Share ko lang, nagaalala lang din ako sa sarili ko. Simula kase nung manganak ako di nako nakain halos, nagugutom ako pero naisasantabi ko yung gutom ko. Focus kase ako sa pagaalaga ng toddler at baby ko, minsan naman kapag tulog sila nakahiga, tulog or kaya nag cecellphone lang ako. Gustuhin ko man kumain ng madami sarili ko ang ayaw. Gusto ko na sana magpacheck up sa isang Psychiatrist kase di ko na alam gagawin para magutom ako. Literal na wala nakong ganang kumain. Never nadin ako nag crave ng kahit anong food. 15 days postpartum lagi nalang nasakit ulo ko then katawan ko. Thanks in advance kaagad makakapag bigay saken ng advise. Thank you, and have a nice day ✨