Maliit tiyan, kaya baby ko 1.7kg at 31 weeks and 3 days na kahit 38 weeks na ako Buntis delikado po?
Hi po 38 weeks na po ako nung January 7,2026.
Paiba iba po ang edd ko .. yung trans V Ultra sound ko at second ultra sound ko ay feb 20 edd ko same clinic ang pinag ultra sound ko . Nung papacheck up na ako ospital ng fabella pinaulit nila ang akimg ultra sound dahil nalilito sila sa aking edd. At hindi ko rin sure last regla ko Dahil po ay irregular ako nag karoon pako regla pero buntis na pala ako Hindi ko alam . Maliit parin tiyan ko time na check up ako sa fabella.
So December 17 ako nag paultra sound sa fabella at nakuha ko result ng December 22. Na kung saan ako nag follow up check up sa Fabella at nakita po rito na kabuwanan ko na pala ng January, 2026 at January, 20,2026 edd ko at Nakita Rito na 1.5kg lang bigat baby ko at 28 weeks laki hindi siya tugma sa buwan ko. Kaya sabi ng doctor maliit raw baby ko kaya binigyan ako ng pampalaki at bigat na vitamins para sa baby at pinaulit ang ultra sound after 2 weeks. Agad ako nag punta sa ultra sound sa fabella para schedule kaso scheduled ko ay January 7,2026 at hindi na pwede Dahil January 7,2026 ang 38 weeks ko at follow up Check up ko sa Fabella bawal sabay ultra sound at follow up Check up dahil may mga policy procedure ang ospital. Hindi kasi agad makukuha result ng ultra sound.
Kaya sa labas na lamg ako pinaultra sound. Kasi need na result sa January 7*2026 sa follow up check up ko .at dahil nga Holiday nag ask muna kami sa lahat ospital at clinic meron ganon laboratory ultra sound at isa lang clinic meron at January 2 ,2026 pa pwede. Kaya habang nag wait kami ng January 2,2026 ., umimon ako malalamig ng tubig , shakes , softdrinks, juice , buko na shake at fresh na buko ., umiinom rin ako ng Ammam chocolates na gatas , nakain rin ako ng mga matatamis at nainom mga vitamins sa buntis at vitamins pampabigat ng baby at pampalaki baby na bigay doctor.
At nagawa na nga January 2,2026 ang ultra sound ko at Sabi ng doctor na nag - ultra sound sakin ay okey heartbeat, utak at katawan bata baka daw sadyang maliit ang baby.
. At January 5 ,2026 nakuha result dahil busy kami..at habang hindi pa nakuha result tuloy tuloy ako sa ginagawa ko sa pagkain matatamis at mararami pagkain ar paginom malalamig. At mga vitamins at gatas chocolates na ammam.
Nakalagay sa ultra sound ko na pinaulit ay 31 weeks and 3 days na at 1.7kg na laki at timbang niya ibig sabihin ng grow siya. Sa huling ultra sound niya. 28 weeks and 1.5kg siya .
Pagdating January 7,2026 na follow up check up ko sa fabella nakita napo ang aking ultra sound ng doctor at wala siyang sinabi about sa baby ko na maliit ba or my problem ba. At hindi ko din naman tinanong..basta ie niya ako dahil 38 weeks na raw ako at ini- schedule na niya ako ng cs operations sa January 12,2026 ng 8am..at sinabi ko pwede ba inormal sabi po niya hindi raw dahil raw cs ako sa aking una baby at bawal ako mag labor .
Breech po una ko baby kaya nacs ako at iwas ako sa malamig at pagkain marami nun at matatamis pero sakto siya bigat at laki sa mismomg buwan niya ( girl po una ko baby )
Ito second ko po ay umikot na siya - nakapwesto na siya at mahilig ako kumain , matatamis at malalamig pero 1.7kg lang siya at 31 weeks and 3 days bigat at laki niya. ( Lalaki po ito ngayon )
Maliit din po tiyan ko ngayon pero maliit naman talaga ako magbuntis pero okey naman timbang at laki nung una ko kahit maliit ako magbuntis.
Ang tanong ko po.
Hindi po ba delikado maliit ang baby na 1.7kg at 31 weeks and 3 days na laki na parang kasi laki ng 7 months baby kahit complete naman siya sa buwan ?
Incubator ba siya pag ganito siya kaliit at magkakaproblem ba. ( Complete naman sa buwan)
Sino nakaranas dito ganito timbang at laki baby.
Pashare naman po at pasagot tanong ko po salamat po.
Read more