Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Dreaming of becoming a parent
Stay out yaya
Hi mommies.. 5k pa din po ba ang dapat ipasahod if ever na ako naglalaba ng damit ni baby, Monday to friday(7am-5pm) lang sya nagbabantay at every night ako din nagbabantay? Stay out po. Kapitbahay lang nmin ang yaya. 2 months old lng naman po ang baby ko, di pa mahirap bntayan. Sino po sa inyo ang may same case? Magkano po pasahod nyo? ? Thank you mommies!
Possible ba na maoverdose ako?
Hi mga mommies! Im 7 months pregnant po. I have a concern po kasi medyo nabobother ako sa mga gamot na iniinom ko. Nagpacheck up po ako last Wednesday dahil sa bumabarang sipon at pumuputok na na ubo. Niresetahan po ako ng OB ng tatlong klaseng gamot Loxeva( once a day), Neozep (non drowsy- 2x a day) at fluimucil ( 2x a day). Worried ako mga mommies kasi maliban jan may mga vitamins o gamot na ako before Calciumade ( 3x a day) at leginsol (once a day). So in total 7 capsules/ tablets tinitake ko bawat araw at may fluimucil pa na tinitimpla na iniinom ko. 9 lahat tinitake ko everyday. I'm so worried po kasi na baka maoverdose ako? Any advice po sa mga may same case din. Kung ano po pde kong gawin. First pregnancy ko po kasi ito. Magkaibang OB po ang nagreseta sa akin ng para sa buntis na meds at para sa ubo at sipon ko dahil nagdecide po ako na magpalit ng OB dahil na rin sa medyo mahirap e provide ang 30k-40k na pinapaprepare ng aking previous na OB. Sa private hospitals lang po kasi sya. Thank you so much po.
Aswang?
Mommies ano po ba ang pwedeng panangga sa aswang? I know meron iilan na di naniniwala pero siguro meron pa din na naniniwala sa aswang. Four months pregnant po ako at twice na may nagpaparamdam sa bubong at bintana namin. Noong una partner ko nakarinig madaling araw around 2am. Natitilam tilam o parang naglalaway sa bandang bintana Wala naman po kaming pusa o kung anong hayop. The following day po, madaling araw din naalimpungatan ako at sa bintana ako nakaharap pagmulat po ng mga mata tamang tama po na may dumaan pong malaking ibon na black. Jalousie po kasi at di pa po nalalagyan ng kurtina yung bintana bale may grills naman at screen sa lamok kaya mejo kampante pero naaaninag pa din po sa labas dahil sa buwan. Hindi naman po ako natatakot ng sobra pero nagwoworry ako sa dinadala ko. Gusto ko na safe din kami. Baka po may alam kayo na panangga? Ang sabi po kasi ng matatanda na mabango sa pangamoy nila ang dinadala ng mga buntis. Isa po sa pamahiin pero mas maganda na din po siguro na nag iingat. Maraming salamat po sa paglalaan ng oras sa pagbasa at sa mga sasagot. ?