Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Hoping for a child
pampalakas ng gatas 1st time mommy?
Hi mga momies Np Ask ko lang po ano po pinaka maganda na itake pampalakas ng gatas? Yung pasok po sana sa panlasa at bulsa? hindi na po kasi kami nakakapag sabaw dito samin and bumili rin po ako ng natalac capsule parang hindi naman po lumalakas gatas ko. Pure breastfeeding po kasi ako and medyo humihina na yung gatas ko dati po nakakapag pump ako ng tatlong bote ngayon po kalahating bote nalang. Thanks po sa concern?
vitamins
Hello mga momshie ask ko lang po ano po magandang vitamins para sa lo ko mag 2months sya sa march 24. At ano pong magandang gamitin para sa ubo at sipon ng lo ko Maraming salamat po sa mga sasagot?
1st time mom pa help naman po please?
9mos pregnant Hello mga momshie lalo na po dun sa mga hindi na 1st time mom☺ pa help naman po pwede po ba ako makahingi ng tips or advice? Sa inyo about po sa kung pano manganak ng mabilis , pwede korin po ba malaman yung mga na experience nyo simula nung nag labor hanggang sa nanganak kayo. Ano po ba mga mararamdaman nun? Now po kasi 9mos preggy nako feb. 11 po ang due date ko siguro po mga ilang araw nalang manganganak nako kaya gusto ko po manghingi sa inyo ng tips , advice at experience nyo po para malaman ko kung naglalabor at manganganak na po ako. Ngayon po nararamdaman kong pain minsan nananakit na po puson ko yung pakiramdam po na parang rereglahin at tuwing gabi po sumasakit yung balakang ko sign na po ba yun na malapit nako maglabor mga momshie? Salamat po sa sasagot ☺?
1st time mom?
Hello mga momshie☺ ask ko lang po natural lang po ba sa ibang buntis like me na hindi pantay yung hugis ng tyan? Sa akin po kasi medyo matambok sa right side ng tummy ko medyo na woworry po ako. ? natural lang po kaya yun? Thanks po sa sagot☺?
1st time mom kaya mga mommy pa help naman po
Meron po kasi akong impeksyon sa ihi ginamot ko naman po ng 1week by reseta ng doc. Ko ngayon chineck po ulit yung urine ko mas lumala daw po yung impeksyon ko sa ihi at parang hindi daw nagamot. Ask ko lang ano po need gawin para mawala or mas hindi lumala pa yung impeksyon ko sa ihi? Na woworry po kasi ako baka madamay ang baby ko sa tummy ko? Thanks po sa sagot
sss maternity
Mga sis kakakuha ko lang po ng sss number ano po ba ang kailangan kong gawin para maka avail po ako ng maternity . Saka po hnd ako nag wowork nag self employ lang ako .4months na po ang tummy ko pero meron naman po akong ultrasound ng 6weeks palang ako nun . Salamat po sa sasagot