Mababang timbang ng newborn baby
𝗦𝗵𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 lang po. 1month and 22days na si baby ngayon. Pure breastfeed sya sa loob ng 1month and 1week, not until magworried ako kasi hindi sya bumibigat at hindi rin nagkakalaman. Same pa din sya like nun 1st day nya. That's when we visited his pedia. 2.9kgs sya nun ipanganak and during pedia visit 3.2kgs lang timbang nya. 0.3kgs lang nadagdag nakakabahala sobra. Halos wala na kaming tulog ni baby para lang mapadede sya sa loob ng 1month na yun and everytime nagpoop sya. 𝗣𝗲𝗱𝗶𝗮 recommended na need talaga ng ayudang formula milk. Mamahalin formula para lang mahabol ni baby ang recommended weight sa edad nya. Including vitamins and pampagana. After 2weeks ng mix feeding nagkalaman na si baby, mahimbing na din sya nakakatulog and hindi na sya maligalig kapag nagpapalit ng diaper. Sobrang nakakataba ng puso kasi ngumingiti na sya at nagreresponse na sa mga taong nakikipag usap sa kanya. Continue pa din ako magboost ng breastmilk para makuha nya pa din nutrition na need nya. Talaga lang hindi enough para mabusog sya. Malapit na din vaccine nya kaya pinaghahandaan na namin para hindi sya masyado maging iritable. Sa lahat ng first time moms, lahat gagawin natin para sa ating little ones. Kaya cheer up lang and don't worry much. Always consult our pedia para makatulong sa ating pagpapalaki sa mga babies. 🍼🍼🍼 #FTM #breastfeeding #formulaadvice #mixfeeding
Read more