Birthclub: Nobyembre 2023 icon

Birthclub: Nobyembre 2023

27.3 K following

Feed

Just wanted to share - Life problems

Good day po. I just wanted to share. Feel free to give your thoughts or advice but please dont judge me. Long post ahead 😁✌️ So I'm in a 2 years relationship with my boyfriend and 8 months pregnant na rin. Chubby po ako and may history ng PCOS kaya nung more than 2 months palang na delayed ako, di ko agad naisip na buntis ako. During that time may issue po ako sa employer ko (unpaid contributions and delayed payroll) kaya I decided to resign. Hindi ko inexpect na mahihirapan ako makalipat ng trabaho kasi before naman nakakahanap ako agad after a month or 2. I'm not sure maybe because nagfile ako ng complaint kay DOLE and NLRC, or dahil wala akong mabigay na requirements (COE, BIR 2316 etc) kaya ang hirap sakin mahire ngayon. 15 weeks pregnant: I decided to stop applying while si boyfriend ang gumagastos sa vitamins and checkups ko. Hindi pa po kami nagsasama. Sya nakatira sa tita nya, ako naman share kami ng kapatid ko sa rent dito sa manila. Umuwi muna ako sa province para makatipid. I didn't tell sa relatives ko na buntis ako. Sinabi ko lang na magbabakasyon muna ako habang walang work. Here's my reason: 1. Ako ang nagpoprovide sa family ko. Timing lang na graduate na yung kapatid ko and kakahanap lang nya ng work. Marami pang need ipagawa sa bahay na dapat ako yung inaasahang gumastos kaya natatakot ako sa reaction nila kung malalamang buntis ako. 2. Ayokong mapag usapan ng mga marites na kapitbahay. Sobra po kasi ang mga marites samin to the point na susundan ka ng tingin kahit titignan mo na sila. May time nag uusap sila bout sa ibang tao then maririnig pa sa kabilang bahay. 3. Yung mga older sister and brother ko po naunang magkaanak bago nakasal. I saw them na nagstruggle sa finances then kami na mga naiwang bunso at si mama ang nag alaga sa mga pamangkin ko. Hindi na sila nakatulong sa family namin ever since nagkaanak sila. Madalas pa kay mama sila humihingi kapag gipit sila which is galing din sa padala ko. I dont want na matulad sa kanila. Ayoko madisappoint si mama na nabuntis din ako bago maikasal. Gusto ko makapagprovide pa rin kahit may anak na pero pano kung wala akong work. 4. I don't want to judge yung iba na maaga nagkaanak bago naikasal kasi may mga nakikita naman ako na happy sila at nakakaya naman nila. Pero.. Somehow nahihiya ako ishare sa socials or malaman ng iba na buntis ako tapos hindi pa nakakasal. Sorry po. 25 weeks: My mother asked me parang mukha raw akong buntis. Sabi ko lang mataba kasi ako may history ng pcos etc. Nabigla ako kasi gusto ko umamin pero biglang ganun nasabi ko kay mama. Naniwala naman si mama kasi nga tabain naman talaga ako tapos puro oversize sinusuot ko. Sa 3 months na nasa province ako, I decided to not take my vitamins, milk or kahit attend ng checkup. I wanted na makunan ako kasi kahit anong isipin ko hindi pa talaga ako ready maging mommy. Gusto kong maging mommy, naiimagine ko pano ko aalagaan si baby, pero alam kong hirap sa finances lalo na wala kami sariling bahay. After a week I decided na bumalik ng manila baka makahanap na ng work kahit freelance lang. Nung pagbalik ko ng manila every 2 weeks na ang checkup ko since bantay na si boyfriend. Hindi alam ng OB ko na di ako nagtitake ng vitamins. Also I still eat and drink whatever I want (coffee, coke, spicy foods). Hindi alam ni bf yung mga ginagawa ko kasi nakikita ko sya na excited sa paglabas ni baby. Hindi ko masabi na ayoko pa 'to. Ayokong mabuntis..Hindi ko rin inexpect na mahihirapan pa ako mag apply. Even sa freelance, I just take my time na magenroll ng mga free courses to have additional knowledge nalang. Fast forward 8 months na ako. Still not taking my vitamins and same lifestyle pa rin pero tuloy pa rin ang checkup. All my laboratory results are normal naman. I just realized na hindi na ako makukunan kasi normal lahat ng lab results ko plus si baby started kicking na which is normal din. I also saw him for the first time na buo na sya sa ultrasound kaya may kirot akong naramdaman. Naguilty ako sa ginagawa ko bakit hindi ko sya inaalagaan. Medyo teary ako while watching yung monitor. Now my problem is paano ko sasabihin sa family ko yung kalagayan ko. Natatakot po ako sa tototo lang. Natatakot ako sa maraming bagay. 1. Natatakot ako sa sasabihin ng mama ko. Kung madidisappoint ba sya. Naawa rin ako na hindi ko pa sya mabigyan ng magandang buhay. 2. Naawa ako sa kapatid ko na kakarguhin yung pagprovide ng bills and expenses ni mama. Si mama po pala ay senior na at nagmemaintenance na rin po kaya di na pwede magtrabaho ng mabigat. Nagpundar lang po ako ng mini sari sari store para sa pang araw araw nya pero madalas humihiram din mga kapatid ko. 3. Hindi enough ang sahod ni boyfriend. Hindi ko alam pano kami pagkalabas ni baby. Yung gatas, vitamins nya etc kung ngayon palang madalas inuutang nya yung panggastos sa pregnancy ko. Pero kahit ganun proud ako sa kanya kasi never sya nagreklamo. Ginagawan nya lahat ng paraan. 4. Plan po namin magstay sa tita nya pagkapanganak ko. Luluwas din po yung mama nya para matulungan ako mag alaga since first baby po namin at di po kami pareho marunong pa mag alaga ng baby. Doon po kampante ako. Pero I'm worried kasi kasama po sa bahay yung relatives nya na madalas nya makwento noon na umaattitude. Sana matiis ko sila habang nakikitira pansamantala sa kanila. Sa sala lang din natutulog si boyfriend kaya wala kaming privacy. Pati si baby sa sala matutulog. Yung environment po ang inaalala ko. Sana makayanan ko na ganun kasi ever since nagtrabaho ako, nasanay na ako na solo ko. Solo ko mapa apartment or room for rent. Hindi na kami pwede sa kapatid ko kasi pang 2 tao lang yung space. Hindi ko rin gusto sa province kasi mastress lang ako sa mga kapitbahay. Hindi pa rin po namin kaya bumukod. 6. May 2 cats ako na super love ko at maiiwan muna sa kapatid ko. Pwede na kaya sila kunin kung sakaling makabukod ako at makaisang taon na si baby. Ayoko sila iwan. 7. I'm worried na baka may problem si baby sa brain or saan man kasi very emotional ako from first to third trimester, plus yung lifestyle and me not taking the vitamins pa. 8. Nagstart si bf manigarilyo at uminom lately. Sabi nya due to stress. Alam ko naman di madalas pero nabobother lang ako kasi may trauma ako sa relatives ko about sa mga umiinom and mabisyo. Sinabi ko sa sarili ko na ayoko magkaasawa ng ganun. Natatakot ako na mangyare sakin. Natatakot ako sa matulad talaga sa mga relatives ko. Hindi ko alam anong gusto ko mangyare or anong advice yung hinihingi ko hehe. Gusto ko lang ishare yung mga iniisip ko lately. I'm not sure kung nadedepress po ako pero madalas napapaluha nalang ako kasi alam kong di kami prepared dito. Kung natapos mo pong basahin ito, thank you so much and God Bless. ❤️🙏

Read more
undefined profile icon
Write a reply
Load More Posts