Ingredients
- 2 medium chopped carrots
- 1 cup spinach
- 1/2 kg ground beef
- 2 cups marinara sauce
- 1 cup cottage cheese
- 1 large egg
- 1/2 tsp basil
- 1/2 tsp dried oregano
- 1/4 cup freshly grated parmesan
- 1 1/4 cup shredded mozzarella
- 6 oz lasagna noodles
Steps
- Ipainit ang oven hanggang 190°C o 375°F.
- Sa isang kawali, lutuin ang giniling na baka sa medium heat hanggang sa maging brown. Gumamit ng wooden spoon upang paghiwa-hiwalayin ang karne. Pagkatapos, tanggalin sa pagkakainit at alisin ang extrang mantika.
- Ilagay ang marinara sauce, karot, at spinach sa kawali kasama ng giniling at halu-haluin. Pagkatapos, tanggalin sa pagkakainit.
- Ilagay an cottage cheese, itlog, basil, oregano, parmesan, at isang tasa ng mozarella sa isang mangkok. Pahaluin ito nang maigi.
- Magkalat nang kaunting meat sauce sa isang 8x8 inch na baking dish. Magpaibabaw ng 3 pirasong lasagna noodles na hindi luto.
- Budburan ng keso ang itaas ng noodles. Magkalat muli ng meat sauce sa itaas ng cheese. Magpatong mulo ng noodles. Ulit-ulitin ang proseso hanggang sa maubos ang keso at giniling. Para sa top layer, ilagay na ang 1/4 tasa ng mozarella
- Takpan ang baking dish ng foil. Ilagay ito sa oven hanggang bumula ang ibabaw o hanggang mga 40 minutos. Tanggalin ang foil at hayaan lamang ito sa oven nang hanggang 5 minutos.
- Ilagay ang lasagna sa cooling rak at palamigin ito ng 5 minutos bago i-serve.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.