My Experience 🙂

Thank god naka raos nadin kami ni baby 💖 laking tulong po ng app nato saken 🙂 i just wanna share my experience 🙂 July 27 2020 09:30 am Kumakain kami ng mister ko nararamdaman kong may tumutulo sa pwerta, pumasok ako sa Cr para tignan pero binalewala ko lang kase wala naman akong pain na naramdaman, Then After namin kumain lumalakas sya, dko na alam gagawin ko that time kaya sabi ni mister baka pumutok na daw panubigan ko, pero diko sya pinakinggan kasi 36 weeks palang ako nun, Ang ginawa ko naligo ako, pagtapos pumunta ako sa kapit bahay namin nagtanong tanong kong normal lang ba yung ganun, Sabi nila Normal lang naman daw, Pero Yung mister ko di na nagpapigil, Dinala nya sa lying in na aanakan ko, pagdating namin dun may nanganganak kaya ako waiting sa labas naka upo lang pero basang basa na short at dress ko . maya maya lumabas yung medwife tinawag ako For I.E Pagka I.E saken 3 cm na ako pero no pain parin akong nararamdaman kaya inadmit ako mga 12 o'clock. then siguro mga 2 pm Medyo nakakaramdam nko ng sakit pero dipa ganun kasakit, Unang i.e nila saken na 3cm nilagyan nila ako ng gamot sa pwerta dko alam para san yun pero sobrang sakit tuwing pinapasok nila ung gamot na yun at 8 piraso po yun, Then mga 3 pm i.e nanaman 5cm palang kaya tinurukan ulit ako ng gamot and nilagyan ulit ako ng gamot sa pwerta, Then Mga 5 pm pag i.e ulit another turok na naman ng gamot saken sobrang sakit na ng tiyan ko nun dagdag pa yung sakit kaka i. saken, every 3 minutes ko na ata nararamdaman yung sakit ng tiyan ko nun, Then last i.e saken mga 8:30 pm 8to9cm nako kaya pinaanak na nila ako then 8:41 pm my princess is out 😍😊 sobrang saya sa pakiramdam na nakita mo na baby mo worth it lahat ng sakit na naramdaman ko 🙂 At habang tinatahi ako wala akong nararamdaman kasi kay baby ako naka fucos tinitignan ko si baby habang nililinisan. Kaya sa mga preggies jan makakaraos din kayo 🙂 basta lakasan nyo lng loob nyo lalo na mga first time mom like me 😊 Now Meet my Little one 🥰 Princess Chloe B. Bagnas 😍 July 27 2020

My Experience 🙂
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrtas monny 🥰