Nakaraos na

Skl. Exactly at my 39 weeks. Nagstart ako maglabor. Mga around 11am Aug 19 sobrang sumakit puson ko. Mas malala pa sa dysmenorrhea. Tinawagan ko ob then pinapunta na kami ng hopsital. Pag IE sakin 1cm palang and no labor pa dun sa machine (dont know the name hehe). Pinauwi muna kami. Dumiretso kami ng samyupsal'an para kumain muna habang namimilipit ako sa sakit haha. Pagkauwi ng bahay. Iba na yung sakit, mas malala na. Kaya mga 6pm bumalik na ulit kami sa hospital. To cut the story short, Aug 20 ng morning pinutok na panubigan ko. Nag fully dilate around 11am. Nagkaron na ako ng bloody discharge. Pwede na akong manganak normal. Kaso. Si baby di bumababa. Nakatingala po siya. Ayaw ng ob ko ng cs. Pero nagdecide nalanf sya na i-cs ako kesa mapahamak si baby. Yun lang po😊

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Congrats momsh! Ako ngaun pa pang nasakit ang puson.. Di pa naman sya sharp pain pero masakit na sya.... Baka mamaya din pupunta na kami sa hospital.. Sana makaraos na rin hehehehe

2y ago

thank you! nakaraos na rin :) 37 weeks and 4 days hehe