An Open Letter for My Son

An Open Letter for my Son Gerome Aizo Ika-19 Buwan ng Abril 2023, akala ko isang normal na araw lang iyon sa atin baby. Pero, hindi ko aakalain na ang mismong araw na iyon ang isa sa hindi ko malilimutan at masakit na mararanasan ko sa buhay ko bilang isang nanay. Umaga pa lang, may kakaiba ng nangyari. Inakala ko wala lang iyon na normal lang na maraming tubig/ihi na lalabas sa akin. Hindi ko inakala na palatubigan ko iyon, wala akong ideya na lalabas ka anuman oras sa araw na iyon. Kung alam ko lang sana... As usual kahit pinag bed rest ako d ko pa rin naiwasan gumalaw-galaw dito sa bahay anak. Alam mo naman si Mama, wala naman aasahan iba kung 'di sarili ko lang. Nakapagluto pa ako, nakapag-hugas malakas naman pakiramdam ko kaya akala ko okay ka lang diyan sa loob. Ngunit dumating ung sandali na may nararamdaman na akong kirot sa tyan. Doon pa lang akong nag desisyon na magpunta ng center at doon ko rin nalaman na anuman sandali maari na kitang maipanganak. Halo-halo na nararamdaman ko that time, takot kasi ung mga gamit mo hindi pa totally nakaayos dahil nasa 7 months ka palang naman hindi ko talaga in expect ang ganito. Lungkot at guilt dahil alam ko sa sarili ko na may pagkukulang ako na masyado akong nakampante sa sarili na hindi ko iniisip na baka nahihirapan ka na, I'm sorry anak hindi ko sinasadya, mahal na mahal kita kung alam mo lang kung gaano ko gustong mailabas ka ng maayos pero hindi na pala mangyayari... 4:30 pm kasabay ng pag-ambon ang paglabas mo ng hapon na iyon na wala ng buhay. Sadiyang ang bilis ng bawat pangyayari na tulala lang ako, hindi ako maka iyak ni makapagsalita. Pero iisa lang tumatak sa akin ang araw na iyon na magigisnan kita iyon pala iyong pinakamasakit. Umaasa ako na papalahaw ka ng iyak na gagalaw ka sa yakap ko pero lahat ng iyon hindi nangyari, hinding-hindi na mangyayari dahil wala ka na nga. Para sa isang ina na katulad ko na nag-expect na maging Ina sa pangalawang pagkakataon sobrang sakit ng lahat. Hanggang ngayon nak sinisisi ko sarili ko bakit hindi kita naisalba. Kung sana naging handa lang ako siguro nabuhay ka pa. Siguro kasama na kita ngayon kung alam ko lang, iyong pakiramdam ko na mag-isa ako, ramdam ko pa rin magpahanggang sa ngayon. Pero huwag kang mag-alala anak, patuloy akong mabubuhay para sa Kuya Jed mo. Ma-miss kita anak, sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. Alam kong nasa piling ka na ni God, wala ng sakit at hirap kang mararanasan. Gabayan mo lagi kami nak, magkakasama rin tayo mahal na mahal ka ni Mama. Eloiza #mybabyisangelnow

An Open Letter for My Son
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply