Mare, kanina pa kita hinahanap!

Hi, hello, mga sismarz! Mareng Tess again, ang Sizzling Friendship Tsismosa ng L.A (Lower Antipolo)!πŸ’‹πŸ’…πŸ» #TAPAfterDark Honest answer ah! Nagtatago ka ba ng pera sa asawa mo? Bakit at anong reason? I-chika mo na 'yan! πŸ˜œβ˜•

Mare, kanina pa kita hinahanap!
156 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

nagtatago ako ng pera ni hubby but alam niya, ako kase nahawak talaga ng pera hhingi nalang Siya sa akin pag wala Siya barya both have money naman kaya nagtatago ako pera for extra savings like emergency may magagastos at di na magagamit yung savings ng mga Bata.

yes.. pag kasi hindi ako nagtabi magbibigay sya ng magbibigay ng pera sa family nya. e need nga namin magtipid for medication ng baby namin. plus hihingian kami ng hihingian ng nanay ng pera nya. wala ng ibang tinext, itinawag, o sinabi kundi pahingi ng pera.

yes po ako din gawain ko pero may purpose ako kung bakit.tinatago ko sa kanya kasi if in case na siya na talaga wala na mailabas na pera atleast ako meron pa din madudukot lalo na pambili gatas ng baby namin at pambayad sa monthly bill.

Yes, for future naman yun.. Para just incase na magkagipitan may madudukot ako, kami. Lalo na ngayon at magkakababy na kami.. Yung tago ko naman madalas nagagamit kapag may importanteng bagay na pag gagastusan hindi para sa sarili ko.

VIP Member

Yes for emergency purposes, kaya madalas nagtataka cya saan nangggaling pera ko pambili ng gmot, pag wla pa sahod.. pampacheck up.. panggas nya.. allowance nya sabi nya andami ko daw natatabi.. iba ung my sinuksok my madudukot..

Minsan! πŸ˜‚πŸ˜‚ Pag binibigyan niya ko di ko ginagastos agad. 😁πŸ₯°πŸ₯° Minsan pag nangungutang ako di ko na pinapaalam sknya kase pag nalaman niya siya paag iinsist na magbayad ayoko nga! πŸ˜‚πŸ˜‚

yes, i need some cash too no, paano pag nagkagipitan tapos sya meron ako wala mahirap na baka magback to zero ka nnman minsan love yourself din or, just leave a little love for yourself 😊

Yes po 🀣 kasi sobrang magastos ng partner ko ni hindi ko po alam kung saan ba napupunta ang sahod nya! nagtatago ako ng barya barya lang para Incase may kailangan may madudukot. πŸ™‚

Minsan. Sinisigurado ko naman na lahat nang share ko para sa bahay at anak nababayad. But there is just some budol that I do not share. Nakikita nalang niya kapag dumating na. HAHAHA!

VIP Member

no... kasi gusto ko alam niya lahat... ultimo nga pagbili ko online pinagpapaalam ko p sa kanya... nasanay na kasi ako na sa larangan ng pera hindi ako magtatago sa kanya...