Share ko lang mga mi: Philhealth
Matagal na akong inactive na contributor kaya pumunta ako sa nearest branch. Buti pwedeng magbayad kahit late na tho malaki nga lang yung binayaran ko. Pero ang good thing, makakakuha pa rin daw ako pag nanganak na ako. 😊 Sa mga mommies na pupunta, ito po yung dadalhin niyo: 1. Birth certificate mo na PSA doc na (orig and photocopy) 2. 2 valid government IDs (orig and photocopy) 3. Marriage certificate na PSA doc na rin para sa married (orig and photocopy) 4. Recent ultrasound report with photo (original and photocopy) 5. Registration/updated form (makukuha sa guard before makapasok sa loob) 6. Pambayad Yun lang mga mi! Mabilis lang kung complete docs ka na at maayos naman ang proseso. 😊




