Dream destination pa rin ba ang Hong Kong para sa iyong pamilya?
Voice your Opinion
Oo, gusto namin pumunta ng Disneyland kasama ang mga bata
Hindi, mas gusto naming pumunta sa ibang bansa. (Ilagay sa comment kung bakit!)

7410 responses

195 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I've been to chinese country not once but still the same attitude pa din ang pinapakita nila. chinese are rude and they do not value customers even in the immigration they have bad behavior. Naalala ko nasa isang store kame nagtitingin ng mabibili may isang staff sila na tinulak kame kase dadaan sila kung saan kame nakatayo. 😭pwede naman mag excuse bakit kailangan manulak. And sa starbucks oorder kame nagtitingin pa kame ng oorderin sa menu board ang sabi sa amin nung barista oorder pa ba kayo? That time kame pa lang yung customer pero hindi pa kame nakapila kase naghahanap pa nga lang kame ng oorderin eh usually ganun ginagawa namin kapag nagtitingin pa lang ng order hindi muna kame napwesto sa cashier. Nakakaloka sila pero maganda ang mga starbucks dun everytime na bibili ka ng tumbler nila free drink na sila dun lang ako natuwa sa free drink kapag bibili ng tumbler.

Magbasa pa
VIP Member

Para sakin mas gusto kong dalhin ang family ko sa Japan at dun na rin tumira dahil nandun yung mga kamag anak ko. Gusto ko rin maranasan ng family ko kung gaano kaganda dun, gaya ng naranasan ko nung tumira ako dun. 😊

Dubai U.A.E since na ofw kami both ni hubby we want our LO to bring also in Dubai.. tsaka dun kami nagkakilala ni hubby dun nabuo si baby kaya gusto namin siya madala dun..

Hindi kasi never naman naging dream destination namin ang HK. Countries in Europe ang dream destination namin. And sa news ngayon, scary ata ang HK.

Hindi.Mas gusto ko sa Batanes na lang kasama ang pamilya.Support local tourism at mas peaceful pa.I prefer nature,same with my family.

VIP Member

Dream destination ko ang south korea, Spain and Rome. Pero major jan ang Rome. Kung nasan ang Vatican. Gusto ko mapasok yun.

VIP Member

Been there, except for Disneyland and Ocean Park wala na gano interesting puntahan. Mas okay balik-balikan ang Japan. ☺️

Hindi kasi mas gusto namin kahitsaan lng basta magkasama na kmi masayang masayang na kme😍😍😍😍

Singapore, Japan, Thailand or South Korea. Hahaha. Yan yung plan na gusto naming puntahan pag lumaki na si baby.

Hindi ko pa afford ang out of the country. Hanggang dito lang muna sa philippines. Sa mga relatives muna namin.