Seasonings

Bawang
Seasonings
Mangenese, Vitamin B6, C, Selenium, Fibre, Calcium, Copper, Potassium, Phosphorus, Iron, Vitamin B1
Maaaring kumain ng bawang habang nagbubuntis. Ang bawang ay maraming nutrients na nagpapatibay ng immunity at sirkulasyon ng dugo, at nagpapababa ng blood pressure at cholesterol levels. Iwasan o i-limit pag malapit nang manganak dahil ang bawang ay may epektong nagpapanipis ng dugo na maaaring maging sanhi ng hindi ma-kontrol na pagdurugo habang surgery o labour at delivery.
Maaaring isama sa diet ang bawang pagkatapos manganak. May nilalaman itong allicin na nagpapatibay ng immunity at marami pang ibang makakabuti sa kalusugan.
Tiyak na ligtas ang pagkain ng bawang habang nagpapasuso. Habang pinapabuti nito ang immunity, nagsisilbi rin itong breast milk booster sa ibang ina. Hanggang ang iyong baby ay walang pinapakitang pag-ayaw sa iyong gatas, maaaring ituloy ang pagkain nito.
Safe naman ang bawang sa mga sanggol na higit pa sa anim na buwan. Nagdadagdag ito sa lasa ng pagkain ng sanggol at nutrisyon na makakatulong na panlaban sa karaniwang sipon. Ito rin ay mayroong antimicrobial properties na nagre-regulate ng growth ng infection-causing bacteria sa gastrointestinal system ng iyong sanggol.