Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
First time mom
LARGE YOLK SAC
Meron po ba dito na same case kagaya ng sa akin? Nag pa TVS po ako nung Tuesday, (August 20, 2019) sabi ng OB 6 weeks and 3 days na yung baby ko at normal naman ang heartbeat nya. Pero bigla akong nangamba gawa may naririnig akong sinasabi nya na follow-up. Tapos ayun nga large yolk sac daw yung nakita, ibig sabihin daw non commonly ay hindi nagtutuloy ang pagbubuntis or kung magtuloy man, may abnormality sa magiging baby ko. Tapos pinapabalik ako after 2 weeks para magpa second opinion at para icheck kung may changes sa yolk sac. Meron na po ba ditong naka experience na magkaroon ng same case as me? I need help po. I am thinking too much about my baby which I know something that isn't healthy for the both of us. :(