Mauie Anne Suzada profile icon
SilverSilver

Mauie Anne Suzada, Philippines

Contributor

About Mauie Anne Suzada

Hi everyone!

My Orders
Posts(5)
Replies(1)
Articles(0)

AFTER SAMGYUP, DELIVERY NA KINABUKASAN

Nag samgyup kami ng Sabado, nagpa check up pa kami bago umalis and nagsabi na ang ob ko na magpa swab test na daw ako kase anytime pwede na siya lumabas. The following week sana kami magpa swab kase nga may lakad kami. Fast forward nag samgy kami (location pala namin is Montalban, Rizal tas kumain kami sa Camarin, Caloocan) Malayo ang byahe, paguwi ay nagpaalam pa sakin asawa ko na magiinom daw sila, pumayag ako kase matutulog nalang naman ako eh. Nakatulog ako ng 2hrs, 11pm siya umuwi at may nangyari samin. Di nako nakatulog non. Di ko namalayan na pumutok na yung panubigan ko, namalayan ko nalang na nananakit ang puson ko, pagpunta ko sa cr may malapot at may dugo. Pinakiramdaman ko pa sarili ko hanggang 1am ginising ko na asawa ko kase wala ng 5mins ang pagitan ng paghilab na nararamdaman ko. Pinatulog ko pa siya ulit kase sabi ko pakiramdaman ko sarili ko. Doon palang ako naghanda ng dadalhin ko kase nga akala ko ay next week pa ako, nakatulong ang distraction na yon para kahit papaano makaya ko yung sakit. After ko mag asikaso ay sobra na yung sakit ininform ko na yung mama ko, nakiramdam na kami. After 4hrs ng pananakit na wala na halos interval nagpasya na kaming pumunta sa lying in, 4am yon, pagka check sakin 4-5cm na daw ako, then naging 6-7 cm na, nilipat na ko ng bed. First time mom ako, kaya clueless ako anong ginagawa, ano dapat gawin, pero di naman sila nahirapan sakin dahil nanunuod nako kung paano, mentally ready na din ako na mahirap siya kaya pain tolerance ko niready ko na. Normal delivery ako, akala ko di ko kakayanin, pero at exactly 5:39am, nailabas ko ang aking baby girl! Healthy at ang lakas niyang dumede now, fast recovering din ako, thank God, tanggal lahat ng anxieties ko pag labas niya. Goodluck sa lahat ng may kabuwanan na! KAYA NIYO YAN!!!

Read more
undefined profile icon
Write a reply