hello mga mi. 5 months and 1 week palang ako. Nagpa ultrasound ako kanina. Tinanong ako kung di daw po naninigas yung tyan ko. kasi parang bukol bukol nung hinawakan. Di ko masyado nagets. Di ko kasi natanong maayos dahil hindi sya yung OB ko. Itanong ko nalang daw. Matagal pa bago ko mameet yung OB ko mismo. Pano ko ba malalaman kung naninigas pala tyan ko? minsan kasi napupoops lang ako kaya parang matigas. Kala ko rin normal kasi slim ako baka matigas kasi purong bata at walang fats. Pano po ba madistinguish? Ano ba usually dahilan bakit naninigas. Masama po ba yun? Salamat po sa sasagot. First time mom po ako kaya medyo paranoid. haha #paranoidmom #paninigasngtiyan
Read moreMy Orders