Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Proud mom of two, RicJeorge and Rhailey Jianna
Breastfeeding
Hello mommies. Ask ko lang po paano po kaya pabalikin sa pagdede sa breast ko si baby? 4 months na po sya. In her first month, sa breast ko po sya dumedede noon. Then pinagbote ko po sya dahil napansin ko palagi na lang sya madami maglungad pag sa breast ko sya dumedede at hirap sya maglatch sakin. Peeo nung pinagbote ko, nabawasan paglulungad nya. Kaya pinagbote ko sya pero breaatmilk pa din dinedede nya kasi po exclusive pumping po ako ngayon. Dahil nahihirapan na po ako magpump kasi naghuhugas pa ng mga bote, tapos takaw oras kasi bukod pa oras ng pagdede sa oras ng pag pump. Tas kumokonti na rin gatas ko to the point na dumudugo na nipples ko kasi sobrang piga na. Gusto ko na po sya dumede sa breast ko mismo kaso ayaw na ng baby ko kahit may gatas pa naman breast ko. Tinry ko na po yung drip drop. Ayaw pa din 😭 Pahelp po mommies
Hello po. Ask ko lang po kung may same case po dito sa baby ko. Bf mom po ako and ang baby ko po parati na lang lumulungad ng pagkadami after feeding or burping kahit na konti lang nadedede nya sakin. Feeling ko po yung dinede nya ay nilungad nya lang lahat. Kahit na 30 mins na sya nakadapa sa dibdib ko para mahughog dinede nya ay naglulungad pa din po. Di ko po alam kung bakit ganun baby ko, Feeling ko po ang konti lang weight gain nya kasi di po sya nataba. 2nd baby ko po sya. Sa panganay ko naman po hindi ganito e breast fed din po sya nun.