Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
SSS and Philhealth records
Hello mga mommies! Question lang po. I got married last May 2020. Hindi ko pa naaayos ang records ko sa SSS and Philhealth like pag-update ng name ko and ng status ko (working mom po ako) kasi ang plan ko originally is iuupdate ko na lang siya once lumabas si baby para isasabay ko na ang pag-add sa kanila ni Hubby as dependent ko. Sa hospital records na ginawa sakin netong nagpacheck-up ako, sila na ang nagdecide na ang name ko ay ginamit na nila yung apelyido ng asawa ko. Dahil daw kasal na ko dapat yun na ang gamitin ko (tho alam ko is may batas na ngayon na choice na nating mga babae kung gagamitin nating ang surname ng mga Hubby natin o hindi) sinabi ko rin non sa hospital na hindi ko muna sana iuupdate o gagamitin ang surname ni hubby dahil nga hindi pa updated ang SSS ko at Philhealth. Pero ipinilit pa rin nila ang gusto nila. Baka meron sainyo mga mommies na nakaexperience na ng ganto, sa hospital is surname na ni hubby nyo ang gamit nyo pero sa SSS at Philhealth nyo e yung maiden names niyo pa rin ang gmit niyo. Hope you can give me ideas. Thank you in advance mga mommies!!
Paninigas ng tyan
Hello mga mommies! 26 pregnant here! Mga mommies ask ko lang, normal bang nakakaramdam tayo ng paninigas ng tyan? Mga ilang araw na ding pabalik balik ang paninigas ng tyan ko. Wala naman akong ibang ginagawa kundi ang usual daily/weekly routine ko, light household chores lang (pagllinis ng bahay, laba o luto) again mga mommies light chores lang tumutulong lang ako sa gawaing bahay. Nahihirapan kasi akong kumilos ngayon gawa ng paninigas ng tyan. Salamat sa mga sasagot mommies!
Pananakit ng tyan
Hello mga Mommies! 21weeks pregnant here! May mga nakaexperience ba sainyo ng pananakit ng tyan, yung tipong namimilipit kayo sa sakit? Hindi naman siya yung tipong nadudumi kayo, eto yung tipong para kayong sinisikmuraan. Ang huli ko lang namang nakain ay nilagang saging bago ako magkaganto. Ano po bang dapat kong gawin? Salamat po sa mga sasagot!