Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
Baby's out
finally!đ nakaraos din via C-section EDD: march 16, 2023 delivery date: march 23 2023 weeks: 41weeks weight: 4.1kg Baby's out: 6:32am March 21 last check up ko and nagusap kami ng ob ko na iset sa 23 ako manganak at kung anong dapat gawin kung magpapa induce or outright CS kasi 1 to 2cm parin ako kahit ano ng ginawa kong exercises at buhat buhat para lang bumaba si baby kaso wala parin. Sabi niya kung iinduce ako start kami ng 6am 12hrs yun pag wala paring labor after 12hrs another insert ulit ng gamot for induce after ng 2hrs pero kung ayaw parin iemergency CS talaga kita sabi niya so magdecide ka mommy kung iinduce kita or direct CS na basta i direct message mo lang kung anong desisyon niyo. Kasi kung sakaling iinduce niya ako baka aabutin pa ako ng mga gabi na or hating gabi or baka nga 24 na lalabas si baby. March 22, nagmessage na ako kay ob na magpa CS na lang kasi natatakot kami na baka mamaya makapoop na si baby loob. March 23, 6am start ng operation after lumabas ni baby nakatae na siya ng konti sabi ng ob ko na nagopera saakin ayos lang kasi as in konti lang and good desisyon na nagpa CS ka kasi sobrang laki talaga ni baby. bandang tanghali dumating ang pedia niya umiiyak si baby chineck ni doc yung diaper niya ang daming na pala niyang pupu. Thanks Godđ kasi successful ang operation at nagdecide kami nagpa direct CS na agad kesa magpa induce kasi sobrang bigat na ni baby at that day din pala siyang magpupupođ
March 16 due date
40weeks na po ako bukas March 16 last week 1cm tapos kahapon 1cm parin po wala pa pong discharge and nagtake na po ako ng primrose simula nung 38weeks and 5days 3xday. umiinom na din ako ng canned pineapple juice kaso wala parin pong mucus plug or bleeding at tolerable din yung pananakit sa side ng puson. any tips po mga momsh para lumabas na si baby? thank you