Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mother of Zeah Isabelle ❤️
Zeah Isabelle 💗
Meet our little one! 🥰 ZEAH ISABELLE "a gift of life that is devoted to God" ❤️ EDD via LMP: 22-Oct-2020 DOB: 06-Oct-2020 10:37 a.m. 2.7 kgs via NSD Birth Story: Oct. 5 ng umaga paggising nakaramdam na ko ng pain sa puson ko na parang dysmenorrhea. Akala ko parang simpleng pain lang kasi tolerable pa naman. Pagdating ng mga before maglunch, sumasakit pa din sya pero nawawala din naman after.. Mga bandang hapon di pa rin nawawala yung pain pero tolerable pa rin talaga siya para sakin kaya di talaga ko nagisip na baka labor na tong nafefeel ko sabi din kasi sa mga nababasa ko, yung true labor daw moderate to strong yung level nung sakit na as in di ka na daw makakangiti. So eto na kinabukasan, Oct. 6 nagtaka ko bakit masakit pa din yung puson ko tas pati balakang ko sumasakit na rin. Naglalast yung pain ng nga 40 to 60 seconds then mawawala tas sasakit ulit after 3 mins. Kahit masakit na siya, kaya ko pa rin talaga as in kasi para lang akong may buwanang dalaw. Di mo rin kasi aakalain na active labor na kasi wala din namang lumabas sakin na discharge na may dugo kaya pinush pa din namin yung morning routine namin which is yung paglalakad para bumaba si baby. So ayun, habang naglalakad kala ko mawawala yung sakit pero hindi. Pasakit siya ng sakit kaya parang kinutuban na ko na eto na yon. mga 7:30am pagbalik ng bahay, tinry ko ilibang yung sarili ko. Nagluto pa ko ng almusal pero di na talaga ko mapakali sa sakit deep inside 😅 nagtext na ako sa OB ko and nagdecide ako na pumunta na sa lying in para magpacheck kung bakit ganun yung sakit. Around 9am nakarating na kaming lying in, agad ako ini-IE at nashook ako kasi 8cm dilated at fully effaced na pala yung cervix ko. So yung pain pala na naramdaman ko magmula nung oct 5. Labor na pala yun 🤯. Jusko. Bigla na ko kinabahan kasi anytime pwede na pala ko manganak. Ang sabi ng Midwife si Doc nasa Pasay pa so need pa namin siya antayin bago ako paanakin since bawal ang midwife magpaanak pag firstborn child. Di na nila ko pinauwi, iniadmit na nila ko pinagpalit ng patient's gown tas kinabitan na ko ng swero. While waiting kay doc, mga bandang 09:45am, patindi na ng patindi yung sakit as in para na kong napoopoops pero focus parin ko sa pag inhale exhale. 10am, pinasok na ko sa delivery room pinahiga na ko kahit wala pa si doc para pagdating ni doc diretso ire nalang ako 😅 10:15am, thanks God dumating na si doc ini-IE ako agad shookt ulit fully dilated na daw ako and malapit na daw lumabas si baby. From time to time, chinicheck ni doc si baby sa loob ko, nakadagdag pa sa sakit yung IE kasi todo naman si doc magkapa-kapa. Hanggang sa kakakapa ni doc ayun pumutok yung panubigan ko 😅 naramdaman ko yung buhos ng tubig grabe parang gripo. Kulay green na daw yung tubig meaning nakapupu na si baby sa loob kaya need ko na daw siya ilabas asap. Sabi ni doc magstart na daw ko umire, once humilab, inhale.. exhale.. inhale.. hold.. then push! 10 seconds na hold ng breath then repeat. After nung 1st push, nakikita na daw ni doc yung ulo ni baby malapit na daw. 2nd push, di ako umabot ng 10 seconds nagkulang yung hininga ko kaya si baby mejo walang movement. 3rd push, di pa rin umabot tas parang namali yung ire ko pinagalitan ako kasi hindi daw ganun 😅 4th push, nanginginig na yung legs ko parang di ko na kaya umire pero pag iniisip ko malapit ko na makita si baby parang nagkakaron ulit ako ng lakas para umire. 5th push, tinodo ko na lahat ng lakas ko sinabayan ko na din ng dasal. Sabi ni doc ayan na wag ko daw puputulin yung ire ko kasi nasa bukana na daw yung ulo ni babyyyy. At 10:37am, baby's out! Cord coil daw si baby pero very good daw kasi ang dali niya lang lumabas at di niya ko pinahirapan maglabor ☺️ After all the pain, it's all worth it 💕 Thank you Lord God for this wonderful blessing! 🙏💕 Di ko akalain na makakayanan kong inormal ka anak.. But God is so good kasi di Niya tayo pinabayaan. We all love you our Zeah Isabelle ❤️💛🧡
What's in the Hospital Bag?
Hi Momshies.. FTM here 🙋 pahelp naman po ano po ba dapat mga need na dalhin or ilagay po sa hospital bag? Pashare naman po ng list please. Thank you po! 🥰
OB Sonologist
Hello po! ask ko lang po kung sino po may alam na murang OB Sonologist na nagpapaCAS Ultrasound? near Bucandala, Imus, Cavite po sana. Thank you po!