Please Read po, Sobrang Confused po ako
Last March 25 po, naoperahan ako via cs due to ectopic pregnancy, pumutok din po fallopian tube ko kaya tinali na yung right fallopian tube ko. 1st pregnancy ko po yun and ang tagal din pong pinag pray kaya sobrang lungkot. Pero okay na po kami. Advice po sakin ni OB is mag wait ng at least three months before mag buntis ulit. 32 na po ako and hindi po talaga regular ang regla ko. Since March po nag hihintay ako ulit magka regla, pero June na wala pa din ako. Yesterday po, napansin ko na halos 4days na ako maaga nagigising at napapadalas ang pag wiwi ko.. nag PT po ako kanina at dalawang linya po ang lumabas, though yung isang line po, sobrang fainted nya talaga halos parang hindi kita.. sinunod ko din po na instructions na wag lalampas sa 5mins ang pag read ng result. So naguguluhan ako guys. Am I pregnant na kaya? Possible ba yung mabuntis ako kahit hindi ako dinatnan ng regla? I need advice po and please do share your experiences din po. Medyo takot po ako, or siguro na trauma na din.. nung nagbuntis po kasi ako nung Feb ganito din una kong mga PT, puro po fainted line din. Parang nakakatakot po na ganito ulit yung Pt ko.. #advicepls
Read more