Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mother of 1 naughty junior
Problem Solved
Hi mommies regarding sa post ko nung nakaraan. Salamat sa lahat ng nagpayo at sumagot sobrang appreciated ko yon. Nagpacheck up na kami and hindi basta rashes ang sakit ng lo ko. "Atopic Dermatitis" kung tawagin ng mga doctor. Sobrang sensitive ng balat ng baby ko. Mainit o malamig pwede pa rin siya magkaroon nito. Skin asthma po siya. Hindi din pwedeng kung ano ano iapply. Sabi ng pedia nya masama ang elica kasi mataas daw ang dosage ng steroid. Madali mang gagaling may side effect naman (share ko lang sa mga mommies na gumagamit nito) yung nireseta po samin light lang po sia hindi man ganon kabilis pero hindi din ganon katapang. May maintenance na din po siya na sabon and lotion. Para po sa mga kagaya ko. Medyo mahal imaintain ang pangangailangan ng may skin asthma. Gayunpaman lahat ay gagawin para sa mahal nating anak. Salamat po sa lahat ng nagadvice. So far nakikita kong effective yung gamot. Nawala agad yung flares or redness sa face nya. Hindi na din ganon kinakamot. 2x ko pa lang inaapply. 😊 See pics para sa gamot.
Rashes
Hi mommas, please don't judge. FTM here. Hindi ko naman pinapabayaan si baby. Last time nagkarashes siya, gumaling naman using Calmoseptine as referred by other Moms. Last sunday totally wala na siya and nag clear out na yung skin ni lo. Ngayon bumalik ulit ilang days pa lang nakakalipas. Inoobserve ko kung dadalhin ko na ba siya sa pedia? Since napakadelikado at ilan na naman ang nagpositive sa lugar namin kaya ako natatakot lumabas. May nakadanas na din ba ng ganito? Nagwworry ako kasi exclusive breastfeed siya. Sabi wag daw ako kumain ng malansa. Nagtry naman ako kumontak sa pedia and clinic pero walang sumasagot. Medyo makati lang kasi kinakamot ni lo yan. Kaya di ko na alam ang gagawin. Parang hindi na din gaano umeeffect yung calmoseptine. Thankyou so much sa sasagot. God bless na lng sa mambbash. 😔😔😔