Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mum of 1 bouncy magician
Easy money
Hello sino dito gustong kumita walang ilalabas na pera ❤ one valid id lang ang kailangan. PM Me NOW GUYS Ig'guide ko po kayo 🥰 Messenger (GRACE MELOR) Ps: Yung magddirect message lang po ang maieentertain ko 😊 thankyou
For Sale
Sino po may gusto ng breastfeed electronic pump 4k po benta ko 6k original price bili ko po Ameda po ang brand name 5 times ko lang po nagamit pero wala na mga balot niya. Bale ganyan po yun nasa picture kumpleto po. Thankyou.
Breastfeeding
Ask ko lang po if pwede ba magpakulay ng buhok kahit nagbebreastfeed?
Formula
Hello po tanung ko lang po anu po recommend niyo na formula para po sa kinakabag. Thanks po.
First time mom
Hello po hihingi lang po ng tips kasi di ko na napapabreast feed masyado si baby formula nalang kasi mahina ang gatas sa akin ? kapag nagpupump ako di umaabot ng 2oz any tips po para mas lalo dumami ang gatas ko. Salamat po.
Breastmilk
Hi ranung ko lang po ilang oras bago po masira ang napump na breastmilk kapag nilagay po sa ref?Thanks po.
Just sharing.
EDD: June 11 2020 DOB: June 01 2020 2.5 kilos Normal Delivery May 31 ng umaga palang nakakaramdam na ako ng pananakit ng puson pero pawala wala naman at every time na iihi ako at huhugasan ko na ang pempem ko may lumalabas na parang sipon na light green hinayaan ko lang yun hanggang sa umabot ng tanghali hapon at gabi may lumalabas sa akin na ganun then natulog na ako nagising ako ng bandang alas kwatro ng madaling araw para umihi after ko umihi nahiga na ako sa kama at yun naramdaman ko na ang sobrang pananakit ng puson na di na mawala wala siguro mga 30 mins kong tiniis yung pananakit na yun hanggang sa di ko na kinaya ginising ko na ang asawa ko at nagpadala na ako sa lying inn pagdating namin dun inIE ako at sabi 3cm palang daw pero nagiiyak na ako sa sakit panu pa daw kaya kung nasa 8cm na so yun habang hinahantay ang ob ko pinahiga muna ako sa room nila tapos nagbp sila at sabi di daw nila ako maaadmit dahil hindi daw sila nagaadmit duon ng mataas ang bp so nagdecide kami ng asawa ko na sa hospital nalang manganak at yun habang nasa room ako sobra na ang sakit tapos inIE ulit ako ng midwife dun at 4cm ma sabi sakto pagdating mo niyan sa hospital manganganak ka na habang nagaantay ako ng sasakyan na kinukuha ng asawa ko lalo na lumala ang pananakit ng puson ko pinagpapawisan na ako kahit malamig at dumating na ang sasakyan papunta na kami ng hospital 8am pagdating dun inIE ako at sabi 5cm palang pinaglakad lakad muna ako at sabi balik ako ng 10am so hindi ko sinunod na sabing maglakad lakad muna dahil wala na akong lakas at para na akong hihimatayin sa sobrang sakit ng narramdaman ko yung feeling na parang may lalabas na sa akin kaya napapaire ako at tumutulo na yung dugo sa mga legs ko at nag10am na inIE ako at 9cm na at dun inakyat na ako sa delivery room yung tipong walang ibang sumasakit sakin kundi ang puson lang pagdating sa delivery room dun na pumutok ang panubigan ko at lumabas na si baby ng 10:45 yung narinig ko ang iyak ng baby ko dun napakuha nalng ako at pinatong na siya sa chest ko wala na ako maramdaman habang tinatahi ako hanggang sa nailipat na ako ng room. ? Worth it lahat ng hirap mula labor hanggnag sa mailabas mo ang baby ?❤
38 weeks and 3 days
Goodevening ask ko lang po if normal lang po ba na may lumalabas na parang sipon na may light green na color then panay hilab na ang tiyan ko at panay sakit na ang puson pero pawala wala naman ang sakit ng puson. Thankyou.
37 weeks and 3 days
Normal pa din po ba kapag yung tigas umabot na po sa taas ng tiyan sa right side actually nasa ilalim na siya ng dede kaya kapag nakaupo ako at nakakuba di po masakit po at kapag nakahiga ako di na ako makahinga di n nawawala pasulpot sulpot po tigas ng tiyan ko. Tapos po basa panty ko pero kapag hinahawakan ko malagkit siya humihilab sa puson. Sobrang sakit na po ng tiyan ko may tendency na di na ako makahinga.
Bat ganun?
37 weeks pregnant na po ako. Nagpacheck up ako kanina kasi panay hilab na at tigas ng tiyan ko yung puson ko panay hilab na din tapos yung pempem ko parang may lalabas na pero close cervix pa daw ako nu ba pwede ko gawin para umopen na cervix btw nagtatake na ako ng primerose one week na akala ko makakaraos na ako ?