Grace bathan profile icon
BronzeBronze

Grace bathan, Philippines

Contributor

About Grace bathan

Dreaming of becoming a parent

My Orders
Posts(4)
Replies(2)
Articles(0)
Paano ginagamit ang Diane-35 pills Gawa ng pharmaceutical company na Bayer ang Diane -35 ay may dalawang active ingredients: Cyproterone acetate at Ethinyloestradiol. Ang una ay isang synthetic anti-androgen na ginawa mula sa hormone na progesterone. Ang pangalawa naman ay isang artificial form ng hormone na estrogen. Ang bawat pack ay naglalaman ng 21 tableta, at bawat isang pill ay nagtataglay ng active ingredients. Sisimulan mong inumin ang unang pill sa unang araw rin ng iyong menstrual period at tuluy-tuloy (isang tableta sa isang araw) na walang mintis sa loob ng tatlong linggo (Day 1 hanggang 21). Kapag nakaubos na ng isang pack, hindi ka iinom ng pills sa sunod na pitong araw (Day 22-28). Sa ika-walong araw (Day 29/Day 1), magsimula uli ng panibagong pack. ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW Sa pitong araw na hindi ka umiinom ng pills, asahan mong rereglahin ka, pero mas konti at hindi kasing-tagal ng dati. Pero kahit hindi pa tapos ang period mo, huwag kalimutang bumalik sa pag-inom ng tableta sa Day 29/Day 1. Dapat tandaan: Kung unang beses mong gagamit ng Diane pills, iwasan na makipagtalik sa unang 14 araw at uminom ng isang tableta bawat araw para maiwasan ang pagbubuntis. Maghintay ng ilang araw para umepekto ang gamot. Kung makikipag-sex, kailangang mag-ingat o magsuot ng condom ang iyong asawa o partner tuwing gagawin niyo ito. Kung gumagamit ka ng ibang contraceptive pills at lilipat sa Diane-35, tapusin muna ang naunang brand, at simulang inumin ang Diane pills sa kasunod na araw. Maaring hindi ka datnan hanggang matapos mo ang 21-day pack ng Diane. Kung nakalimutan mong uminom ng isang tableta, gawin ito sa sandaling maalala mo at iwasan makipag-sex o gumamit ng proteksyon para makasiguro. Kung makakamintis ng mahigit isang beses, kailangan munang kumonsulta sa doktor at humingi ng payo kung ano ang dapat gawin.
Read more
undefined profile icon
Write a reply