Eri Deocariza profile icon
SilverSilver

Eri Deocariza, Philippines

VIP Member

About Eri Deocariza

Alessia's Mummy

Posts(13)
Replies(82)
Articles(0)

Sharing My Experience With You Mga Mommies ?

So eto naaaa mga mommiessss. Masheshare ko na din exp ko dito. Hehe. ?? The past few weeks kasi, naiinggit na ko sa ibang mommies na nagpopost ng experiences nila sa pagdeliver nila sa mga babies nila. ?? Kaya after few days ng pagrerecover ko eh isheshare ko na din sa inyo. Hehe. ? Long post ahead sorry. Hehehe August 25, 2019 39 wks and 1 day na ko. Bday ng panganay ko that day. So sobrang busy talaga dahil nagrequest sya sakin ng bday party with his cousins. Ilang wks ako nastress, napagod para iorganize ung party nya. Ramdam ko na na palaging tumitigas na ung tiyan ko and ung hips ko. Madami na din nakapansin na relatives ko na anytime pwede na ko manganak dahil di na maipinta mukha ko gawa ng sobrang ngawit na balakang ko at hirap na ko maglakad. Ilang araw ko na din kinakausap si baby sa tiyan ko na wag muna lalabas at patapusin muna bday ng kuya nya. Gusto ko munang mairaos muna ung bday ng eldest ko. Fortunately, nairaos ng matiwasay ang party ng anak ko. Super pagoda nga lang pero worth it naman lahat dahil masaya mga kids especially my son. ? August 26,2019 I woke up around 8am. Nagpreprep ako bfast namin. Nakaramdam ako na sumasakit ung puson ko and parang natatae ako. So ayun dedma muna kasi almost everyday ko na nafefeel ung ganong feeling. Nong kumakain na kami nafefeel ko uli ung ganong feeling tapos my interval na sya na 8-15 mins. Pero mild lang at first. Around 10 am chinachat ko na hubby ko sabi ko para kong natatae na masakit puson ko and constant ung feeling na un and lumalakas sya. I was sure that time na true contractions na nafefeel ko. Kasi ung interval nya is constant, and mas lumalakas na. So ang ginawa ko naligo muna ko ng maligamgam na tubig. Inayos ko na mga gamit ko at ni baby. Dinouble checked ko in case may mga makalimutan. Si hubby dumating ng mga 12 pm from work. Pinabili ko pa muna sya ibang kulang ko na gamit sa mercury drug. Ok ok pa pakiramdam ko non e. Tolerable pa ung contractions. Pagkabili nya ng gamit, naligo muna sya. Dinouble checked nya mga bags pa namin. Mag 2pm na sabi ko sa kanya bilisan nya na. Kasi ung contractions is every 3-5 mins. So aun nagmamadali na kami dahil palakas ng palakas ung hilab at nasa 2-3 mins nalang pagitan. Masakit na sya in fairness. Di na ko makapagsalita kapag humihilab sya. Pagdating namin sa lying in inasikaso naman kami agad. Mga 3pm na un. Chineck nila heartbeat ni baby tapos in I.E na ko ng midwife nila. 5cm na ko pagdating namin don. So aun tinawagan agad doctor ko. Pinahiga na ko don sa delivery bed. So aun nga naglelabor na ko pasakit na sya ng pasakit. Pero todo chika pa din ako sa midwife nila, kung ano ano para lang marelax ako. Kung ano ano na pinagkukwentuhan namin habang naglelabor ako. Chinichika ko sya in between contractions hahahaha. Timing lang pagdating ng doctora ko dahil 9cm na ko. So aun don na sya talaga sumakit. Naramdaman ko na na ireng ire na ko. Umire ako ng tatlong beses na puro malakas at mahahaba. And finally at 4:17 baby out na. ?? Iba talaga ung sakit pag naglelabor ka na. Hahaha. Pero sobrang worth it pag nakita mo na si baby. ?? Say hi to my 5 day old, Alessia Rae ??

Read more
Sharing My Experience With You Mga Mommies ?
 profile icon
Write a reply