glass-placeholder

Sinigang na Bangus

duration60 mins
difficulty_levelEasy
meal_typeLunch, Dinner, Soup
cooking_typeBoil
taste_typeSavory

Ingredients

  • 2 pirasong malalaking Bangus (1 kilo)
  • 1/2 kilong hinog na hinog na bayabas
  • 1 pirasong katamtamang laki ng sibuyas
  • 1 bungkos ng kangkong o talbos ng kamote
  • 6 na piraso ng okra
  • 3 pirasong siling haba o berde
  • 6 tasang tubig
  • Patis

Steps

  1. Kaliskisan at linisan ang bangus. Hiwain ng pa-slant ang bawat bangus. Apat na piraso sa bawat bangus. Tanggalin ang lahat ng lamang loob. Hugasang maigi at lagyan ng kaunting asin. Salain at itabi.
  2. Hatiin sa gitna ang mga hinog na bayabas, ilagay sa blender kasama ang isang tasang tubig. Salain upang maalis ang sapal at itabi.
  3. Hugasan at hiwain ang sibuyas at okra. Alisan ng dahon ang kangkong o talbos ng kamote. Ibabad ang mga dahon ng kangkong o talbos ng kamote sa isang malaking bowl na may kaunting asin sa loob ng 5 minuto. Upang maalis ang mga insekto na kumapit dito.
  4. Sa isang malalim na kaserola, magpakulo ng 6 na tasa ng tubig, kapag kumukulo na. Ilagay ang sibuyas, at ang bangus. Hayaang kumulo ulit.
  5. Isunod na ilagay ang katas ng hinoh na bayabas. Timplahan ng asin at pakuluing muli.
  6. Kapag kumulo na, ilagay ang okra, kangkong o talbos ng kamote, at siling haba. Iluto sa loob ng limang minuto.
  7. Ihain habang mainit.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.