glass-placeholder

Sheperd's Pie

duration145 mins
difficulty_levelExpert
meal_typeDinner
cooking_typeBaked, Fried
taste_typeSavory

Ingredients

  • 2 tbsp olive oil
  • 750 g ground beef
  • 1 dahon ng sibuyas tinadtad
  • 1 small chopped onion
  • 2 chopped carrots
  • 100 g mushrooms
  • 400 g tomato in can
  • 2 tbsp fresh thyme leaves
  • 1/2 cup water
  • 500 g boiled potato dinurog
  • 4 tbsps milk
  • 2 tbsps butter
  • Salt and pepper

Steps

  1. Initin ang 1 kutsarang mantika sa isang non-stick pan. Ilagay ang giniling at lutuin ito sa high heat o hanggang maging brown. Gumamit ng wooden spoon upang paghiwa-hiwalayin ang mga karne. Pagkatapos, tanggalin ito sa pagkakainit at tanggalin ang sobrang mantika. Alisin ang pinagprituhang mantika sa kawali at punasan ito ng paper towel.
  2. Initin ang natitirang 1 kutsarang mantika sa kawali. Ilagay na ang dahon ng sibuyas, sibuyas, karot, at kintsay; lutuin hanggang sa lumambot ang mga ito o hanggang mga 15 minutos.
  3. Ibalik ang karne sa kawali. Idagdag ang mushrooms, kamatis, thyme, at tubig. Lagyan ng kaunting asin at paminta. Pabayaang kumulo sa loob ng 40 minutos. Halu-haluin.
  4. Ipainit ang oven hanggang 177°C o 350°F. Sa isang mangkok, haluin ang dinurog na patatas at kamote, 2 kutsarang gatas, 1 kutsarang mantikilya. Lagyan ng kaunting asin at paminta at haluin ang mga ito ng maigi.
  5. Ilipat ang sauce sa baking dish. Ipaibabaw ang dinurog na kamote at patatas gamit ang pastry brush. Pahiran ng natitirang gatas ang ibabaw at lagyan ng kaunting mantikilya sa itaas nito. Ilagay sa oven at i-bake hanggang maging brown at malutong o mga 35 minutos.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.