glass-placeholder

Longganisa

duration50 mins
difficulty_levelMedium
meal_typeBreakfast, Lunch, Dinner
cooking_typeBoil, Sauteed
taste_typeSavory
spice_typeMild

Ingredients

  • 1 kilo pork coarsely ground (kailangang may 30% fat ang karne ng baboy)
  • 1 kutsarang durog na paminta
  • 2 buong head ng bawang, chopped
  • 1 kutsarang asin
  • 3 kutsarang sukang Iloko
  • 1 1/2 kutsarang annato oil (atsuete oil)
  • Hog casing
  • Cooking twine

Steps

  1. Hiwain sa maliliit na piraso ang mga karne ng baboy at taba nito. Gamit ang meat processor, gilingin ito upang maging pino. Kapag nagiling na ang lahat ng karne at taba ng baboy, ilagay na ito sa isang mixing bowl. Ilagay ang lahat ng sangkap at haluing mabuti.
  2. Gamit ang funnel o embudo, ilagay ang mixture sa hog casing. Paghiwa-hiwalayin ang mga ito ng 2-3 inches. Pilipitin at talian ng twine ang bawat pagitan. Gawin ito hanggang sa mailagay na lahat ng mixture sa hog casing. TIP: Puwede ka ring gumawa ng longganisa balls mula rito kung nais mo.
  3. I-air dry o ibilad sa araw ang mga longganisa ng ilang oras (at least 10-16 oras). Mas masarap kung overnight ang pagkaka-air dry dito. Ilagay sa freezer ang mga longganisa pagkatapos itong ma-air dry. NOTE: Siguraduhing walang dadapo na insekto sa mga longganisa upang masiguro ang kalinisan nito.
  4. Kapag handa ng lutuin ang longganisang Ybanag, maglagay muna ng kaunting tubig sa kawali at ilagay ang ilang piraso nito. Hayaang kumulo ang tubig at matuyo saka maglagay ng cooking oil upang iprito ang mga longganisa. Ikot-ikutin ang mga longganisa upang pantay na maluto ang bawat side nito.
  5. Kapag golden brown na ang bawat side, ihango na ito at ilagay sa isang rack upang mapatulo ang excess oil. Ilagay sa serving dish at ihain habang mainit. Masarap itong i-partner sa sinangag na kanin, pritong itlog at kamatis. Enjoy!
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.