
Ingredients
- 1/2 kg dried Gabi leaves
- 12 kg Kakang Gata as in pure!
- 1 cup Alamang
- Minced garlic
- Minced ginger
- Siling labuyo (depende sa gusto niyong dami. Kung mala-satanas ang gusto niyong anghang, ‘di dagdagan niyo)
- Hipon cooked
- 1 cup suka
Steps
- Di ba may 12 kilos of gata ka? ’Yung 1st six kilos muna ang ilagay mo sa kawali. Tapos ilagay na dun ’yung dried na dahon ng gabi and pagsama-samahin mo na lahat ng mga ingredients mo dun. Medium lang muna ang apoy.
- Hayaan mo lang siyang kumulo nang kumulo.
- Tapos pag nakita mo na medyo patuyo na, ’yung paubos na ’yung first six kilos ng gata, papatuyo na, idagdag mo na ulit ’yung last six kilos. Ang apoy, medyo papahina na dapat yan dahil baka masunog at didikit na yan sa ilalim.
- For more recipes, be sure to check out Patikim, Pokie! by Pokwang available in all bookstores and online stores from ABS-CBN Books.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.