glass-placeholder

Ingredients

  • 1/4 giniling na karne ng baboy
  • 1/4 kilo fish fillet o hipon 
  • 5 butil ng bawang
  • 1 malaking sibuyas
  • 1 katamtamang laki ng carrots
  • 1/4 tasang dahon ng malunggay
  • 1 itlog
  • 2 kutsarang all purpose flour
  • 2 kutsarang cassava flour
  • 1/2 kutsaritang 5 spice powder
  • 1/4 kutsaritang paminta
  • 1/2 kutsaritang asin
  • 2 kutsaritang oyster sauce
  • Mantika (deep frying)
  • 2 tasang tubig Mga sangkap sa paggawa ng sweet sauce
  • 2 kutsarang banana ketchup
  • 1/4 tasang pulang asukal
  • 1 1/2 kutsarang  cornstarch
  • Paminta at asin

Steps

  1. Linisin ang hipon, balatan at tanggalin ang ulo. Tadtarin at itabi. Kung gagamit ng fish fillet, hugasan muna maigi bago tadtarin.
  2. Gadgarin (grate) ang carrots, bawang at sibuyas. 
  3. Pagsamahin ang giniling na baboy, tinadtad na isda o hipon, carrots, dahon ng malunggay, sibuyas, at bawang. Isunod ang itlog, all purpose flour, cassava flour,5 spice powder, paminta asin at oyster sauce. Haluing mabuti sa loob ng 10 minuto gamit ang malinis na kamay. Mas maganda kung gagamit ng food processor para sa mas pino na texture.
  4. Rest ang mixture sa loob ng 15-20 minuto.
  5. Sa isang malalim na kawali, maglagay ng mantika. Painitin sa katamtamang apoy. 
  6. Ihulma ang kikiam mixture gamit ang siyansi at bread knife. Ilubog sa mantika ang nahulmang mixture.
  7. Lutuin hanggang maging golden brown. Hanguin at ilagay sa plato na may paper napkin para mabsorb ang excess na mantika.  Ihain kasama ang sweet sauce.
  8. Paraan ng Pagluluto ng Sweet Sauce para sa Healthy Kikiam Sa isang maliit na kaserola, ilagay ang tubig , cornstarch, at pulang asukal. Haluin hanggang matunaw ang asukal.
  9. Isunod  na ilagay ang banana ketchup. At isalang sa mahinang apoy habang hinahalo. 
  10. Kapag kumulo na at malapot na ang mixture, ilagay ang paminta at kaunting asin.  
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.