glass-placeholder

Inihaw na Tilapia

duration55 mins
difficulty_levelEasy
meal_typeLunch, Dinner
cooking_typeGrilled
taste_typeSavory

Ingredients

  • 1 kilong Tilapya
  • 1/2 tasang toyo
  • 12 piraso ng kalamansi o 4 pirasong dayap (maari ring gumamit ng 1 buong lemon)
  • 1 malaking sibuyas
  • 1 katamtamang laki ng luya
  • 6 na pirasong kamatis
  • 1/2 kutsaritang paminta
  • 1 kutsarang patis
  • Foil o dahon ng saging
  • Butter

Steps

  1. Paraan ng pagluluto ng Inihaw na Tilapia Hugasan at kaliskisan ang tilapia. Hiwain ng katulad ng daing (butterfly cut). Alisin ang lamang loob. Hugasang muli hanggang maalis ang natitirang dugo. Salain at itabi.
  2. Sa isang malinis na sangkalan, tadtarin ang sibuyas, luya at kamatis. 
  3. Hiwain at pigain ang kalamansi (dayap o lemon).
  4. Sa isang malaking bowl, ilagay ang mga nahiwang sangkap (sibuyas, luya, kamatis), isunod na ilagay ang katas ng pinigang kalamansi. Ilagay na rin ang toyo, paminta at patis. Haluin.
  5. Kumuha ng isang tilapia. Ilagay sa plato. Ipalaman ang mixture sa loob ng isda. Ulitin sa lahat ng tilapia hanggang mapalamanan na na lahat.
  6. Sa natirang mixture, ilagay ang mga napalamanang tilapya. Ito ang magsisilbing marinade uoang mas lalong sumarap ang Inihaw na Tilapia. Takpan at imarinate sa loob ng 2-4 na oras. Mas maigi kung magdamag o overnight para mas kumapit ang lasa.
  7. Ilatag ang foil o dahon ng saging, pahiran ng butter at ibalot ng paisa isa ang mga nababad ng tilapia. Ang butter ay nilalagay upang hindi dumikit ang isda kapag iniihaw. Kapag nabalutan na lahat, itabi.
  8. Magparingas ng uling sa ihawan, maari ring gumamit ng electric grill, o stove top griller. Maari ring gumawa ng improvised na ihawan.
  9. Kapag stable na ang baga ng ihawan, maari ng isalang ang mga tilapia. Baligtarin kada 10 minuto upang masiguro na pantay ang pagkakaluto. Ang pag-iihaw ay tumatagal depende sa laki ng isda at lakas ng baga. Ang regular size na tilapia ay naluluto sa loon ng 30-40 minuto.
  10. I-rest muna ng 10 minuto bago tanggalin ang fold o dahon ng saging upang manatiling juicy ang Inihaw na Tilapia.
  11. Gumawa ng sawsawan bago ihain. Ang isa sa ponakasimpleng sawsawan ay ang pinaghalong toyo, kalamansi at sili.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.