
Ingredients
- 2 piraso ng tilapia na nakaliskisan at natanggalan na ng hasang
- 1 lata o 1 ½ tasa ng gata ng niyog
- 4 na tangkay o pirasong dahon ng mustasa
- 1 maliit na piraso ng luyo
- 3 butil ng bawang
- 1 pirasong sibuyas
- Asin o patis
- Paminta
- 1 tasang tubig
- 2 pirasong siling green o labuyo
- 2 tbsps mantika
Steps
- Mag-init ng kawali at ilagay rito ang mantika.
- Kapag mainit na ang mantika, saka igisa ang bawang, sibuyas at luya.
- Saka sunod na ilagay ang gata ng niyog.
- Hintaying kumulo ang gata ng niyog saka ilagay ang isdang tilapia.
- Takpan at hayaan itong kumulo sa loob ng sampung minuto
- Sunod na ilagay ang dahon ng mustasa o gulay na gusto mo. Hayaan itong maluto sa loob ng ilang minuto.
- Sunod na timplahan ito gamit ang asin o patis. Maari rin itong lagyan ng paminta. I-serve ito ng mainit-init pa.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.