glass-placeholder

Chop Suey

duration30 mins
difficulty_levelEasy
meal_typeLunch, Dinner
cooking_typeSauteed
taste_typeSavory

Ingredients

  • 3 kutsara ng cooking oil
  • 1/2 cup scallions, sliced
  • 2 cloves ng bawang, chopped
  • 1 piraso ng dilaw na sibuyas, chopped
  • 1 repolyo, chopped
  • 2 stalks ng celery, sliced
  • 2 cups shiitake mushrooms, sliced
  • 1 piraso ng red bell pepper, sliced
  • 1 piece green bell pepper, sliced
  • 3/4 kutsaritang asukal (puti o brown)
  • 1 cup baby corns (pwede ang canned baby corns)
  • 1 baso ng cauliflower, chopped
  • 4 cups chicken broth (or tubig)
  • 1 cup broccoli, chopped
  • 1/2 cup toyo
  • 1 kutsara ng oyster sauce
  • 2 tbsps sesame oil
  • 1 kutsara ng Thai chili paste (optional)
  • 1 1/2 kutsara ng gawgaw (cornstarch)
  • 7 piraso ng hipon, nalinisan na at nahiwa na
  • 1-2 cups cooked chicken, pork or beef
  • 1 kutsara ng Chinese cooking wine or mirin
  • 1 cup nilagang itlog ng pugo (quail eggs)
  • Chopped cilantro for garnish (optional)
  • Salt and pepper to taste

Steps

  1. Unahin munang ilaga ang mga itlog ng pugo. Kapag ito ay luto na, hayaan munang lumamig bago balatan. Sa ganitong paraan hindi madudurog at kakapit ang puti ng itlog sa balat nito. Set aside.
  2. Sa isang malaking kawali o wok, ilagay ang mantika at i-prito ang mga hipon sa medium heat na apoy. Lutuin ito ng tig-1 minuto o hanggang maging pingkish na ang kulay nito. Ihango sa kawali at itabi. TIP: Huwag i-overcooked ang mga hipon upang hindi ito tumigas at maging kasing kunat ng goma.
  3. Sa pinaglutuan ng mga hipon, igisa naman ang bawang, sibuyas, at scallions. Kapag malambot na ito, ilagay ang karne. Lutuin ang karne hanggang maging light brown ang kulay. Ilagay ang broccoli, cauliflower, celery, red at green bell peppers, shiitake mushrooms at baby corn. Igisa ang mga ito hanggang sa lumambot ng bahagya at saka ilagay ang repolyo. Haluing maigi at igisa sa loob ng 3 minuto. Ilagay ang asukal, toyo, oyster sauce, sesame oil at thai chili paste saka haluin. Ibuhos ang chicken stock at takpan ang kawali. Pakuluin ito sa loob ng 8 minuto.
  4. Habang pinakukuluan ang mga gulay, tunawin ang gawgaw sa mirin at 1/2 cup na tubig. Ilagay ito sa gulay at haluing maigi. Ito ang magpapalapot sa sabaw ng ating chopsuey. Lagyan ng asin at paminta at tanstahin ito ayon sa inyong panlasa. Muling pakuluin ng 2 minuto saka ilagay ang mga hipon at itlog ng pugo. Haluing maigi.
  5. Ilipat sa isang malaking serving bowl ang chopsuey. Lagyan ng chopped cilantro ang ibabaw nito bilang garnishing. Mas mainam na ihain ito habang mainit pa!
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.