Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen bee of 1 fun loving prince
Tip for Breastfeeding
Hi mommies! Share ko po yung experience ko kung pano dumami yung breastmilk ko from almost dry to breastmilk stocker. Pinainom po ako ng in-laws ko ng katas ng ugat ng papaya. 3 nights ko po sya ininom. Super effective po para sakin kasi unang gabi ko palang po sya ininom, kinabukasan nagtutulo na po yung milk ko. Sabi po nila yung nagrecommend daw po sa kanila nun ay gumagamit na sila generation to generation kaya subok na po. Basta unli latch, more water at magpump din po kayo after mag latch ni baby. Mas maganda po every 2 hours. Mas effective po sya para sakin kesa sa malunggay. Tiis lang po sa lasa para naman po kay baby yun. Because breastmilk is the best for babies ? p.s. para po sa pagkuha ng katas sa ugat, pwede nyo po sya i-juicer or i-grate oara makuha yung katas. ?
Tip para kay baby
Hello po, di po ito tanong. Just want to share sa mga di pa po nakakaalam kasi I went to health center today, nakita ko yung baby iyak na iyak sa turok kahit ilang minuto na ang lumipas. Ito po yung tip sana makatulong. Pag po binakunahan si baby, para po mabilis pag recover nya sa sakit kung san sya tinurukan, i-exercise nyo lang po ng i-exercise pero iwasan pong mahawakan yung part na may turok. mas sasakit pa po kasi sya pag di ginagalaw. Mas lalong kawawa si baby. Up and down nyo lang po yung leg or braso nya, Ulitin nyo lang po ng ulitin pag natetengga yung movement ni baby. Just caring po.