glass-placeholder

Pochero

duration55 mins
difficulty_levelMedium
meal_typeLunch, Dinner, Soup
cooking_typeBoil, Sauteed
taste_typeSavory

Ingredients

  • 2 kutsarang mantika
  • 6 na butil ng bawang
  • 1
  • 8
  • 1 kilong karne ng baboy (pigue)
  • 1
  • 5 piraso ng saging na saba
  • 1 bungkos ng pechay tagalog
  • 8 pirasong baguio beans
  • 1/2 kutsaritang asukal
  • 2 kutsarang patis
  • 1/4 kutsaritang paminta
  • 6 na tasang tubig

Steps

  1. Tadatarin (minced) ang bawang, sibuyas na pula, at kamatis. Hiwain ang carrot at saging na saba ng pa-slant, isang pulgada ang kapal. Hugasang mabuti ang pechay at hiwain sa gitna. Putulin ang mga baguio beans ng isang pulgada ang haba.
  2. Sa isang kaserola, ilagay ang mantika. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Igisa sa loob ng limang minuto.
  3. Ilagay na ang karne ng baboy, at timplahan ng patis. Iluto sa loob ng limang minuto at sunod na ilagay ang tubig. Pakuluin ng 45 minuto hanggang lumambot.
  4. Kapag malambot na, timplahan ng asukal at paminta. Ilagay ang baguio beans, carrots, at pechay. Ilutong muli sa loob ng limang minuto. Tikman at timplahan ng patis kung nakukulangan sa alat.
  5. Sa isang maliit na kawali na may kaunting mantika iprito ang mga nahiwang saging na saba. Ilagay ang mga napritong saba sa nalutong Pork Pochero bago ihain.
  6. Tips para sa Pochero recipe Sa pagluluto ng Pochero, maaring gumamit ng karne ng baka o manok. Dumedepende ito sa gusto ng mga paglulutuan.
  7. Maaari ring gumamit ng tomato sauce, tomato paste, o canned tomatoes bilang pamalit sa sariwang kamatis.
  8. Imbes na pechay tagalog, maaaring gumamit ng repolyo o pechay baguio.
  9. Pwede ring maglagay ng mais, garbanzos (chick peas), o white beans.
  10. Sa ibang lugar, naglalagay sila ng chorizo (chinese sausage) para sa dagdag na linamnam.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.