Cheating (long message)

Yung partner ko nag inform na mag rrides/roroadtrip papuntang bataan galing ng pampanga. As usual, pumayag naman ako kasi 7 months pa lang naman akong buntis and thinking na hindi na siya makakagala pag lumabas na si lo. Tinanong ko siya kung sino kasama niya mag momotor, ansabe niya siya lang daw mag isa. After a day, nkikita ko nag cchat siya messenger and out of nowhere bigla akong kinabahan. So, inantay ko siya na makatulog and nakita ko name ng babae bagong member ng motorcycle club nila. Yung conversation is hindi usual n friendly conversation or walang malisya. Tinanong ng partner ko yung babae kung "out kana ba", "kumain kana ba", "mag isa ka lang ba sa bahay niyo" and "para talagang tinahadna". Nakita ko rin sa gallery niya na may mga solo pictures (di selfie) ang partner. Ang tanong ko, sino ang kumuha ng pictures niya kung siya lang mag isa and then nakita ko isang picture na magkatabi ang dalawang motor. Yung plate number ng partner ko and yung motor ng babae. Bigla tumulo ang luha ko sa kaba and nag worry ako ng sobra kasi for the first time nag sinungaling siya sa akin. Kinahaponan ng Sunday, may dumating siyang mga bisitang riders. While nasa kwarto ako pretending na natutulog, narinig ko yung tanong ng isang rider "maghahanap din ako ng lady rider. Buti ka pa nakahanap kana ng lady rider." Sa narinig ko, may basis talaga ang nararamdaman kong kaba. Di ako basta nag seselos or nappraning lalo na at walang basehan. Matapos umalis yung mga bisita niya, tinanong ko siya ng umiiyak kung sino ang kasama niya sa bataan nung nag roadtrip at ang sagot niya sa akin na siya lang daw mag isa. Tapos binanggit ko ang name ng babae at tinanong kung sino siya at bakit iba ang pag trato niya sa kanya. Ang sagot niya lang dahil eto ay bagong member. Habang umiiyak ako at nag iisip ng itatanong, bigla niyang kinuha ang phone niya. Kinuha ko agad eto sa kanya para ipakita sa kanya yung conversation nila pero na delete na niya agad. I decider to call the girl. Sinagot naman ng babae, diretsahan ko siya tinanong kung nilalandi niya ba ang partner ko habang katabi ko ang partner ko. Sinagot ng babae na hindi raw. Nag tanong rin ako ng ibang details like kung san siya nag ttrabaho and edad niya. Nawalan na ako ng maitatanong that time dahil iyak ako ng iyak sa sobrang sama ng loob. Yung partner ko naman tinatawanan lang ako kasi wala naman daw dapat akong ikaka worry. He even hugged me, wipe down my tears and assured me na wala daw talaga. One week na akong 2 hrs lang tulog ko mga momshies kasi ngigising ako na umiiyak and nag papalpitate. Di ko pa rin masagot kung bakit nag sinungaling siya saakin na may kasama siya sa bataan at bakit nililinis niya yung chat nila. If, walang malisya yun eh di ba dapat transparent siya at di siya nag bubura ng messages to prove to me na wala dapat akong ipag alala. Lagi ko nakikita sa messenger search yung pangalan ng babae kahit araw2 kung dinidelete doon. Ibig sabihin lang na, nag cchat sila while nagttrabaho ang partner ko at nililinis niya bago siya umuwi. Gusto ko lumayas na sana sa amin kaso i am not financially capable to support myself kasi nag resign ako s work due to health problem. Tapos ngayon buntis ako, financially dependent ako sa partner ko. I really dont know what to do and apektado na yung pagkain ko dahil wala akong gana. Naaawa ako sa baby ko (this is my first pregnancy) kasi apektado din siya. Wala akong kaibigan and familt na makakausap dahil nasa mindanao sila and at the same time ayoko rin masira yung partner ko sa kanila. Kung ikaw nasa kalagayan ko momshie, paano mo mabibigyan solution to?

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply