Yung pagod na pagod na ko kakaisip pano kami makakakain ng maayos sa mga susunod na araw dahil walang wala na kami tapos yung mga bagay na para sa anak mo, napupunta pa sa mga biyenan mo na kung tutuusin hindi lang naman kayo ang dapat sumagot dahil may mga iba din silang anak kaso wala eh (bayani ata asawa ko) sabayan pa ng pagod ng pag aalaga kay baby tapos di ko naman mapag labasan ng sama ng loob asawa ko dahil sasabihin lang na nag iinarte ako. Ang bigat sa pakiramdam mga inay. Sa totoo lang gusto ko na paalisin mga in-laws ko dito samin dahil hindi na nga namin mapakain ng maayos sarili namin dahil sa kakulangan pero hindi eh. Hindi pwede kasi di rin naman sila kukunin nung iba nilang mga anak. Pero pano naman mga anak ko? Ayoko naman na pati yung mga para sa anak ko sa kanila na lang mapupunta lahat tulad ng nangyayari ngayon. Kinausap ko na asawa ko pero wala talaga, ayaw daw umuwi ng magulang niya sa probinsya. Gusto dito lang samin. Naiiyak talaga ako mga inay. Nagsisimula pa lang kami sa buhay pamilya namin pero ung simula namin, lubog sa utang at kalam ng sikmura ang dala dahil sa biglang sulpot nila samin. Gusto ko na lang umuwi sa parents ko at least doon, sigurado akong makakakain mga anak ko ng maayos ???
Anonymous