I Need Advice

Yung husband ko, kanina nag uusap lang kami then nauwi yung usapan sa pagtatalo. Lumabas siya sa Terrace. Patulog na sana ako tapos narinig ko beep ng beep yung Cellphone niya. Notification ng Messenger. 2 kasi CP niya naiwan niya yung isa naka charge. Nakita ko may chat isang Girl. "No Boyfriend 3 mos ago" So parang getting to know stage palang sila. Chinat ko din asawa ko sabi ko. "Kakausap lang natin nakikipag landian ka na" Then nung na seen niya. Pumasok siya sa kwarto. Nag pretend na parang wala lang. Deretso sa CR. Hindi ako makatulog kaya kinonfront ko siya. Sabi ko sino ka chat niya. Yung pamangkin niya daw na lalaki. Sabi ko yung totoo. Yun lang daw. Sabi ko may nakita ako babae. Tapos bgla niya na binanggit yung name ni girl. Sabi ko, anong pinag uusapan niyo.? Wala daw, nangamusta lang daw. Ininsist ko na titignan ko cp niya. Kakapilit ko kinuha na niya cp niya. Pinakita niya pero dun lang sa thread same day. Ayaw niya ipahawak sa akin CP niya. Mabilis ko inabot para maibrowse pataas. May mga nakita na picture. Ang ending May 15 pa pala sila nag kakachat hindi naman araw araw. Pero yung girl parang nilalandi yung husband ko kasi alam na FilAm. Yung asawa ko naman nanghihingi ng Photo. Si girl naman send agad mga sexy photo pa sinesend. Aftee nun tinigilan ko na yung asawa ko awayin. Wala ako masabi sa kanya. Pero galit na galit ako sa kanya. Hindi ko alam kung normal ba sa lalaki na ganun ang response sa mga ganung b*tch or p3rv3rt lang ba siya. ? 4 mos palang baby namin. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa ba yung asawa ko. Ang dali dali lang niya lumandi at Bumigay sa babae. ?

18 Replies

VIP Member

Dapat talaga bawat pagkakataong nagloloko 1 lalaki nababawasan size ng patutoy Nila eh. Hahaha. Tingnan Lang natin mga momshies Kung me makuha pang makipag flirt kahit sa chat man Lang 😂

Sorry sis pero may possibility na magloloko yang husband mo. Yang babae naman walang delikadesa alam na pamilyado na yung tao, napatol pa din sarap pag uuntugin ng dalawa nakuuuuu 🤬🤬

Uulitin nya lang yan. Trust me. Dami ko kilalang ganyan, sa una lang magbabago. Hanggat di nila nahahanap yung hinahanap nila, di magkukusang magbabago yan.

Kausapin mo muna asawa mo sis, wag mong hiwalayan like what you've said 4mos. Pa lang baby nyo kawawa naman. Madadaan nyo sa maayos na usapan yan .

Leave your hubby. Kung kaya nya kumerengkeng ng baby pa yang anak nyo, magagawa nya ulit yan.

VIP Member

Red flag na yan. Magloloko yan tapos gagawin excuse nag away kayo kasi. Tsk.

Galawan yan ng naglalandi. I know that. Kausapin mo yan.

Bakuran mo na po asawa mo. Hehehe

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles