Negative NANAMAN ?

Yung gustong gusto mo na magkababy kasi madaming nag aantay ? nakakapressure na nakakahiya sa mga tao sa paligid ? Gusto ko nalang malusaw o mawala sa mundo kapag tinatanong ako kung di pa ako buntis bakit dka pa nagbubuntis! Haaaays, ang sakit sakit sa damdamin pag may dugong lumabas sayo sign of menstration. ?? Bakit kaming mga gustong magbuntis ayaw bigyan yung mga nagpapalaglag at hindi pa ready magkaanak ang laging binibigyan ?? Nakakaiyaaaaaaaaaaaaaaak ???????????????????

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Try mong wag mag expect. Yun bang cool ka lang, relax lang. Pero still, during your fertile days, dalasan niyo. Malaki ang effect ng stress sa pagkakabuo ng baby e. Kasi dati nagtatry ako, ginawa ko lahat para mabuntis tapos pag alam ko nang malapit na menstruation ko, hindi na ko mapakali. Lahat ng symptoms na mararamdaman ko, isesearch ko sa internet kung sign ba ng pregnancy. Masyado akong expectant then sobrang madidissapoint pag dumating na talaga ang period ko. Pero one day nung natanggap ko nang, hindi ko pa siguro talaga time magkababy, hindi ako talaga ako nagexpect. Ayun, nabuntis agad ako. 15 weeks or 4 months na kong pregnant ngayon.

Magbasa pa