GUSTO KUNA MAGKABABY.

yung gusto muna magkababy kaso ayaw parin bigyan 😭 NAG KA PCOS kasi ako minsan 3months ako di nagkakamens.. first time ko mag irregular ang mens akala ko buntis na ako kasi 3months ako di nagkakamens tas yun nagpacheck up ako then sabi sakin may pcos nga ako 😭 2years na kami ng asawa ko ala prin kami baby 😭

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Warning;Long comment. Simula 12 yrs old ako di na regular mens ko. 22 na po ako ngayon, di ko pinapansin until nagka bf ako year 2013, 2015 nagpacheck up nako sa OB, NA-DIAGNOSED NAKO SA PCOS. Nag pills ako hanggang 2019, Nakalimutan ko na yung pills. Sa bata ko noon di ko alam mali na pala pag intake ko ng pills. Grabe tinaba ko, Oo di dahil sa pills yun as per OB walang cholesterol ang pills kaya walang cause for OBESITY. Nasa tao na yun control sa pagkain, diba minsan pag may tinetake kang gamot gutom ka lagi, at magalaw ako sa bahay kaya siguro lumobo ako ng lumobo year 2013 simula nagka bf ako weight ko siguro 55kg lang hanggang sa pataba na ko ng pataba every year, at mas worse pa palabo ng palabo mata ko kasi nga isa sa mga symptoms ng PCOS yun. SEPTEMBER 2019, Nag decide na ko itigil yung pills kasi di na naman ako nireregla, tsaka ayoko na ng epekto sa katawan ko. DECEMBER 2019 nagpa check up ulit ako sa OB sa MEDICAL CITY di padin ako nireregla nun, SEPT-DEC. Tinrans vaginal ako. May bukol bukol na maliliit ovary ko, di naman daw sya cyst matutunaw sa gamot. Tapos pinapabalik ako sa pills. MAY PCOS NA NGA TALAGA AKO, Luto na daw matres ko kakapills before (nakalimutan ko na medical term sa nalulutong matres) Sinabihan na talaga ako ng DR. na mahihirapan ako magka anak. To think 2014 up to present ACTIVE AT NAGSASAMA na kami ng bf ko. (Wag kayo mag-alala working student kami, di palamunin hahahaha) pero never kami nakabuo, lahat na ng posisyon nagawa na namen. lol. Niresetahan ako, AND GUESS WHAT? Dumating na ang 2020 DI KO ININOM, Ni isang gamot na nireseta saken. Bakit? Nawalan na ko ng gana, nawalan na ko ng pag asa na magkakaanak pa ba ako? AYOKO NA. JANUARY 2020 Nag try ako mag VITA PLUS MELON. 900 pa nga bili ko kasi nga 2 gives hahahaha. Once a day ko lang iniinom, before 1 hour kumain ng breakfast. Pwede twice bago matulpg pero syempre tinitipid ko nag once a day lang ako. FEBRUARY 2020, Nagkasakit ako sa baga. Hindi nakakahawa basta di ko na babanggitin. Sobrang dami kong gamot, may tinuturok pa ko sa tyan para lang di mamuo yung dugo sa lungs ko. 1 month akong tengga sa work, Sinabihan ako ng DR. ko sa sobrang dami kong tinetake na meds sabayan ko ng GLUTA (ANY BRAND) Kasi yung gluta is for liver, side effect lang pala yung pampa puti. Nagdalawang isip ako, kasi sobrang puti ko na mamsh hahahahha di ko need pero sinunod ko. Nag BELO ako , sale sa watsons nun 999 for 30 caps na once a day lang naman yun. Sinabayan ko ng MYRA E 400. Kasi sa dami kong iniinom na meds nanunuyot na balat ko. 1 month ko din naalagaan sarili ko sa ganun, okay naman epekto. MARCH 2020 Wala nako iniinom bukod sa MYRA E nalang. Syempre nag lockdown unahin ko pa ba yan. Di ko na din need uminom mga meds kasi clear na baga ko magaling nako. UNTIL..... JULY 4, First time ako makita ng ka office mate ko na 40s na si mommy. Unang bungad nya saken BUNTIS KABA? BAT MANAS KA? ME: SYEMPRE MI LOCKDOWN KAIN LANG NG KAIN HAHAHHAA. Di ko pinansin, Why? Wala lang alam ko na kasing ang laki ko naman talaga hahahaha kasi nga diba ang taba ko naman talaga!!! Pero may part na bakit ako napapaisip kasi, 2019 may ginanyan din syang ka work ko, sinabihan nya out of nowhere na NAK MAG PT KA NGA. AND WALLAH! POSITIVE. Wala lang kasi kami naniniwala. Wala namang masamang maniwala. JULY 6, 2020 Pauwi nako from work napadaan ako sa watsons bumili ako 2 PT yung BUY 1 TAKE 1 lang. Pag uwi ko 8pm NAG TRY AKO. AT SA TAGAL KONG MAY PARTNER AT SA DAMI KONG SINAYANG NA NEGATIVE PTs FIRST TIME DALAWANG LINE PERO MALABO ISA. Naiiyak ako, Pero kinakalma ko sarili ko, why? Natatakot ako kasi pandemic. JULY 7,2020 Pagkagising ko nag PT ulit ako. 2 LINES SOBRANG LINAW NA TALAGA. NANGINGINIG NA AKO. Kinalma ko sarili ko ayoko mastress ayoko pa maniwala hangga't hindi ko nacoconfirm. Pumasok pa ko 8am sa work. Nagpaalam ako sa TL ko papacheck up ako saglit, pinayagan naman ako. Di rin maconfirm ng OB since di ko madeclare last mens ko. So, nagrequest sya na magpa trans v ako. JULY 8,2020 MORNING PUMASOK PAKO PERO NAGPAALAM AKO SA TL KO NA PAPATRANS V NGA AKO. Nasa diagnostic center na ko around cubao. Pagka pasok ng trans v tool saken di ko alam tawag sorry hahahaha. GODDAMN!!!!!!! ; Uy ang laki na nya mommy. ; Ayan oh, ang laki na. ; Okay naman ang heartbeat ; 16 weeks and 5 days kana ; Possible baby boy. ; Kumpleto naman parts. DI KO ALAM, DI AKO MAKAIYAK, DI AKO MATAWA, DI AKO MAKAGALAW. DI AKO MAKASALITA. KASI ETO NA YUN, ETONG ETO NA YUN AFTER ILANG YEARS KO HINIHILING AT HINIHINGI NA IBIGAY MO NA SAKIN. FINALLY!!!!!!! To my future child; Sorry if I really don't know, grabe pa uminom ako ng hard alcohols and even smoking during GCQ. Pero kaya ka siguro nanatili at kumapit sakin kasi alam mo kung gaano kita katagal hiniling sa maykapal. P.S Siguro isa sa nakatulong sa pagkapit ng baby ko now is nung mga APRIL OR MAY 2020 ECQ padin diba. May namigay ng FERROUS + FOLIC ACID and CALCIUM dito sa brgy namen at nakipila ako hahahahaha. Iniinom ko naman, kase pede naman. Siguro etong baby ko na namilit sa isip ko na, MOMMY KUHA KA NUN TAPOS INUMIN MO FOR ME 💓 Sorry ang haba. - 18 WEEKS AND 1 DAY PREGGY FTM 🤗❣ Gusto ko lang sabihin sayo at sa mga nakakabasa na nawawalan ng pag asa na magkaanak. Wag kayo mapagod at sumuko na humiling sa maykapal. At wag kalimutang alagaan yung sarili naten mga mommies kahit sobrang stress tayo sa buhay.

Magbasa pa
5y ago

Happy din ako sayo, LABAN LANG TAYO!!! 💓