I need advice.
Worried po ako pano ipapaalam sa family ko and sa workplace ko na pregnant ako. I'm turning 25 na po at may stable job kaso not yet married, iniisip ko reaction ng mga tao sa paligid ko lalo sa nature ng work ko dapat role model. Dami pa expectations ng parents ko sakin, ayaw pa nila mag asawa ako. Kung ako lang I'm happy about sa pagbubuntis ko, same with sa bf ko gustong gusto nya na magka-baby. Kaso hindi maalis sa isip ko magiging judgment ng mga tao kapag lumaki na tiyan ko. Nauna ang baby bago kasal. Paano ko po kaya sasabihin? Please help. Thanks po.
Para po sakin kung san po kayo masaya gawin nyo po kung wala namang masama at wala po kayong tinatapakan pong tao. May friend po ako noon na ganyan po ang sitwasyon kasi takot sya sa sasabihin ng iba at balak nya pang alisin si baby. Pero ang nasabi ko lang mas kaya mo bang dalhin habang buhay ang yung konsensya dahil lang sa sasabihin nila? Bigay ni God yan at di problema yan dahil ang baby surpresa ni God yan its a blessing pero never naging problema. Kung ano man sasabihin ng ibang tao lilipas din yan may katapusan. Basta maging matatag lang kayo asahan nyo na mga sasabihin nila pero ang imind set nyo po ang little Angel nyo. Godbless po sainyo makakaya nyo yan. πππ always pray promise gagaan pakiramdam nyo lagi lang kayong hihingi ng advice ka Lord God at ibibigay nya rin po yun sainyo.
Magbasa paGanyan rin ako before sis, mas worried pa mother ko lalo yung image na makikita sa kanya ng tao, kasi nga notion talaga ng pilipino na kasal muna bago pagbuntis. nagulat rin siya nung nalaman niyang buntis ako, todo hagulgol, knowing na sa ibang tao pa niya nalaman pagbubuntis ko at hindi sa akin. at first hindi pa tanggap ng mom ko, gusto pa niya na magpakasal na kami agad ng bf ko para hindi raw halata na nabuntis ako agad. pero di rin nagtagal natanggap rin ng parents ko. and now prinoprocess na namin ni bf ang civil wedding kahit 6months preggy na ako. ganun lang talaga sis ang magiging tingin ng tao sayo pero ikaw, sa sarili mo hindi mo na maiisip yung tingin ng ibang tao sayo kasi ang iisipin mo na lang is yung magiging baby niyo. mas iisipin mo pa yung feeling ng pagbubuntis habang tumatagal
Magbasa paWell, things had already been done and you've got to accept consequences of your actions. Talk about your pregnancy with your parents kasama ng boyfriend mo and your plans on how you'll both manage to carry out your goals with the baby at hand. Consider marriage. At first, for sure they will have I'll feelings about their expectations with you and what more you can achieve in your career but surely, they will have to accept it. They will have compassion on both of you, you and the baby. π Be positive mommy! π Everything will set into their proper place. Just think more of the baby. It is a blessing! Take care of your self mommy! Count those people who will truly care for you and think about Him who gave you someone to entrust and bless. Kiha Kaha Mommy! ( Be strong! )
Magbasa paDi ko isusugarcoat ang mga bagay-bagay. Believe me, things are not going to be easy. Pero ipag-pray mo kay God to give you strength and courage. Whatever happens, si God ang maging focus mo at ang baby mo. Do not ever depend/rely on anyone. Wag ka mag-expect. Keep in mind na adult ka na, capable of making your own decisions. Kailangan mo magpakatatag kasi may masasabi talaga ang ibang tao. Pero ayon nga. KAILANGAN. MO. MAGPAKATATAG. Hindi lang para sa sarili mong emotional well-being, pero para rin sa baby mo. Mahirap ma-stress 'pag buntis, kasi maraming pwedeng mangyari kay baby. You are carrying inside you the most wonderful gift anyone can ever receive. Si baby ang gawin mong priority above anything and anyone else. Sending love and prayers! Kaya mo yan. π
Magbasa paHave the same experience like yours also. And nilakasan ko loob ko sa una, talagang mananaig ang takot kasi nga sa expectations. Expect mo ang galit ng parents and tanggapin mo na din ang judgement ng tao. But what's important there is to be true to them and to yourself. Nahirapan din ako aminin sa mga friends ko pero mas lalo akong tumatag nung nailbas ko na sakanila about it slowly by slowly. And now my baby is turning 6mons old super naaliw si mama sakanya parang sila na nga magkamuka eh hehehe then si papa bili ng bili ng damit for baby ^_^ if i will compare before and now sobrang galit nila nun and now cant imagine the joy in their eyes :) nakakarelief. Now im striving hard to be better for my parents to stand again for their fallen expectations for me before. :)
Magbasa paHello sis. Ganyan din ako kung una. Nauna aoo mabuntis. Pro ang ginawa namin ng bf ko , una naming sinabihan ung parents namin. Thankfully naging supportive naman sila, kaya mejo naibsan ung worries ko. And bago pa kami ng.announce sa iba na pregnant ako, ngpakasal na kami kaagad after a month na sinabi namin sa parents. Then pamamanhikan agad then mga 3 months na ako pregnant pro di pa naman halata ung tummy ko. So ayon after mga 2 months then ng kasal un na 5 months na si baby sa tummy so dun na ako ngsabi sa iba na pregnant ako. So atleast di na sila masyado na.shock and atleast kasal na kami at wala na silang nasabi. Ngayon, na si baby sa tummy and im super happy na. Suggest ko lang to base sa exp ko. God Bless mumsh. Congratulations sa atin π₯°
Magbasa paSame po tayo ng situation mumsh, ako nga 22 yrs old palang at 5 months preggy na. Bago plang din ako sa workplace ko. Nauna pa si baby bago ang kasal. Alam ko na may nasasabi talaga sila na masama tungkol sakin kesyo ang bata pa , kesyo ganyan. Minsan nga pinaringgan ako ng head ko na dapat daw kung mag aasawa dapat nakaplanado para walang masabi yung iba at para daw hindi masira ang pangalan. Pero ni kahit ano hindi ako nagpadala sa mga sinasabi nla nung una worried ako pero iniisip ko nalang yung baby ko at isa pa wala naman sila naibigay sa akin ni kahit piso para pagsabihan nila ako ng masama. Parents ko nga tinanggap sila pa kaya. Kaya dapat pakatatag lang po tayo isipin natin yung baby natin. Blessing po yan na binigay ni lord sa atin.
Magbasa paA baby is a blessing sis. Ganya din ako. Graduate ako ng education at nauna ang baby bago kasal. Wag mong isipin ang sasabuhin ng ibang tao. Nasa right age ka na. May sarili ka nang desisyon at pag iisip. May stable job ka pa nga e ako wala akong jwork ngayon. So wag mo masyadong isipin ang sasabihin nila, ang importante ngayon magkakaroon ka na ng baby at hindi mo dapat ikahiya yan kase blessing yan. Malay mo baka matuwa pa mga mgulang mo. Sa una lng tlga mahirap. May maririnig kang hindi maganda pero lilipas din yan. Tatanggapin ka naman nila. Regarding sa mga kapitbahay mo, wag mo silang pansinin. Hayaan mo sila. Hindi naman sila ang mga magulang mo. Hindi mo kailangan ang opinyon nila. Kaya cheer up sis. Mas ok na panindigan mo yan.
Magbasa paGanyan din naramdaman ko at first, ako naman po 21 yrs old at Graduating si jowa ko naman po ay 31yrs old pero sobrang stable na niya 10yrs ang Gap namin. Yung iisipin din ng ibang tao ang una kong inisip kase may masasabe at masasabe talaga ang ibang tao sayo once na nabuntis na ng wala sa oras, i mean yung di planado at di kasal. Pero halos wala pang 1week nung nalaman ko ng preggy ako sinabe na agad namin sa both family namin kase mag maganda padin may support na family kahit anong mangyare dahil sila ang gagabay at magtatanggol sainyo kahit ano pang hindi maganda ang nagawa nyo, maiintindihan at maiintindihan nila. Wag na makinig sa sasabihin ng iba kase makakasama sayo at sa baby mo baka ma stress ka pa.ππ Blessing yan mommy! π
Magbasa pawag mo isipin ang sasabihin ng taong nakapaligid sayo sa workplace. hindi naman sila banal at santo para mangjudge ng kapwa.:) ang kelangan mo paghandaan na masabi ito unang una sa parents mo.. sa tamang edad ka naman na para sakin ha. nagpakasal ako at the age of 25. siguro sa umpisa may konting disappointment pero for sure matatanggap ng family lalo na. ng parents mo ang baby mo. hindi mo naman sila binigo nung nagaral ka at nakagraduate ka na at nakahanap ng trabaho. siguro pag nagsabi kayo dapat dalwa kayo ng bf niyo at sabihin niyo na ang plans niyo lalo na if gusto niyo na din pala magsettle down. kahit papano malalaman ng parents mo na kayo ay ready ng dalawa at papanagutan ka naman ng BF mo.:) stay positive bawal mastress ok..:)
Magbasa pa