377 Replies

Mommy, overthinking will mentally kill you so wag ka mag-isip ng negativity. First, pray and seek guidance as well as strength. Second, practice to be grateful that among women asking for a child, ikaw ang binigyan niya. Third, wala ka dapat ipangamba coz you have your partner beside you. Sabay nyong harapin ang family mo para mas maging magaan at madali magsabi. malaking bagay na malaman ng family mo that your partner will stand for you. Isipin mo na maswerte ka para maging magaan ang lahat. Tulad ko, swerte ako coz I have my son even his father walked away during my pregnancy. I was afraid nung una sa sasabihin ng ibang tao pero hindi pala makakatulong sakin at sa anak ko kung puro ibang tao ang iisipin ko. I started to show off everyone that I am a proud mom and give my best shot sa career not for people to say na successful ako but for my own growth. Then after that I learned to live my life na hindi iniinti ang sasabihin ng iba. As long as wala ako inaapakan na ibang tao, i'm living my life the way I want it go be and the way God wants it to be. Makakatulong kung magpapakatotoo ka lang sa sarili mo.

I was 19 when i 1st got pregnant. I was afraid back then most especially with my father bcoz he's a police. I was still at school and so is my bf. Just like you i was afraid of what might people say kasi ang bata bata ko pa nun. Most nights i would cry and tink "panu ko ba sasabihin?" panu pag pinalayas ako? at hindi matanggap. Tpos wala pa kaming trabaho but i could not live a day na nagwowory kasi i know na maapektuhan c baby. Until my mom noticed that there was something wrong about me and asked if im pregnant. Ayun sa kanya ko nauna sinabi yung ng yari. Hindi natanggap ng father ko at 1st. Hindi nya ako pinapansin not until my baby was born. Ngayun super love nya apo nya. What im trying to say is. If u find it hard to say to your parents mghanap ka ng family member na ul be comfortble with telling ur pregnant tpos mgpatulong ka like ur sister or aunts. Yung nkaka unawa ng sitwasyun mu and the hardship ur goingthru sa pagsabi. Your parents may feel dissapointed at first but i guarantee u once na mkita nila grand kids nila masasahayan din yun. sometimes mas overprotected pa nga cla kesa sa mga parents. :)

Blessing po ang baby ,wag nating itago. Same here mamsh! Mag-24 palang ako ngayong Dec. Pareho tayo ng sitwasyon.Dahil sa pagmamahalan namin ng aking boyfriend di inaasahan na biniyayaan agad kame ng baby,Isa akong teacher at DAPAT role model ts kaka-in ko Lang last sept.2018 ,nalaman ko buntis ako February 2019 ni Hindi pa ako nakakapagbalik ng utang na loob sa family ko. Ibat ibang emosyon naramdaman ko ,super katakot ako kc dahil nga sa tsismis ts di pa kasal , sa sasabihin ng ibang tao, pero supportive naman so bf kc 26 Naman na sya. Di ako nag atubiling sabihin agad sa mama ko😊 kahit hiyang hiya ako ,huminge ako ng sorry .agad Naman nilang natanggap kaso sa side ni bf Hindi. okay Lang Naman Sana kaso di kame pwede ikasal dahil kakasal Lang kapatid nya SUkOB daw kumbaga ! Mabait family ko at okay Lang Naman sa kanila . Pero syempre Kung ano ano narinig ko sa ibang Tao. Keber Lang! Di ko pinapansin kc masstress Lang ako bawal Yun sa buntis. Sa ngayon, 2mos. Na si baby poging pogi at healthy ,okay man na lahat .masaya kameng pamilya:) PS: thanks dito nakapaglabas din ako ng saloobin.

Wag mo na intindihin ung mga kawork mo o ung ibang tao. Isipin mo po momsh ung parents mo nalang. Sa panahon ngayon, madalang nalang din naman ung kasal muna bago baby e. Tho di sya maganda kasi un kinamulatan natin. People will judge you just because. But sino ba sila sa buhay mo? Siguro pwede ka rin naman maging role model in a way na kahit na di kayo kasal, pinili mo pa ring ituloy si baby dahil un ang tama. As for your parents, sabihin mo lang. Lahat naman ng parents mag-eexpect na sana kasal muna bago baby. Lalo na kung sila nga mismo e ganun. But nanjan na yan e. Di naman pwede e-eliminate mo yang baby dahil lang worried kang di nila matatanggap o madidisappoint sila. Kasi that's part of it. Yes madidisappoint sila. But later on, matatanggap din nila yan. Ako nga lumaki sa pamilyang living like before. Conservative and all. But this happened. They were super mad, nanghinayang sila sakin. Pero after sometime, mas cautious pa sila sa pagbubuntis ko. Sila pa nag-guide sa mga pwedeng kainin o hindi, sa mga bawal gawin. And now, they cherish and love my lo as if he was theirs.

24 and I was on the same situation 9 months ago. Sobrang takot dahil ayaw ko madisappoint parents ko dahil nagtatake ako ng masters at the same time may stable job at business na todo suporta ang magulang ko ang bf ko 25 yrs old fresh grad ng BSMT at inaasahang makakatulong sa fam. Nung nalaman namin sobra din ang takot ko sa sasabihin ng iba and to tell you hindi mo talaga maiiwasan yun na may maririnig ka pero lagi mo tatandaan na yang pinagkaloob sayo ay isang blessing at nasa tamang edad kana din to decide on your own sabi mo nga may stable job kana din kaya kung tutuusin yung sitwasyon na nadanas natin ay mas magaan kaysa sa mga menor na kumakaharap din sa ganitong problema. Masasaktan at madidisappoint parents natin YES paguusapan at magiging topic ka ng mga ka-workmates mo YES pero eto lang masasabi ko once makita na nila yung baby mo lahat yan mawawala lalo na sa mga magulang mo. Kaya sis wag ka panghinaan ng loob, handa na din naman si bf mo to start a family with you mayroon kang matibay na sandalan malalagpasan niyo din ito.

Let me share you my experience. I grew up in a conservative family. My father is a pastor and there was always policy at home. Even in having relationships, dapat 18 kana bago ka makipagboyfriend. Pero nagpasaway ako and I ended up getting pregnant na walang tatay yung anak ko. When I first told my pregnancy to them, my Mom said di nila kayang tanggapin ang anak ko. Kesyo ipaampon ko daw kasi ano sasabihin ng mga tao sa paligid. But I was firm when I said na papanindigan ko yung bata. But as my belly grew up, they had a change of heart. My parents accepted the growing baby inside me wholeheartedly. And the idea about adoption was changed. Nung nanganak nako, my parents were very happy to see their apo. Now, my daughter is 2 years old and my father was very proud of her. Parents are parents. Nasaktan sila because sumuway ka but they will accept you wholeheartedly no matter what happens. So girl, tell them as early as you can kasi makakapagpagaan yan ng pakiramdam mo. ❤️

actually i envy your position... to be honest college student ako and my family expect so much from since graduating nko... at first its hard pero kahit msakit i decided to tell the truth lalo na sa parents ko i saw them both hurt and dissappointed but it turns out they still forgive me and support me... unmarried din ako.. oo we think of other people that will might judge us but ma'am it will be better to tell them the truth kasi kahit anong judge ng ibang tao mawawala din yan pag na feel mo ang baby mo sa tummy mo.. the baby will give u comfort that no one can give... a comfort that gave u more strenght to live a reason for another chapter.. dahil kahit nabuntis ka that doesn't mean your journey stops its just ur chapter of being single but being a woman will still the same :) im just 20 yrs old.. God gave a special gift to me and you so he happy for it.. kasi pag naramdaman mo pagsipa ng baby mo at heartbeat niya it will make you feel very happy hope this will help...

Sis, may kapatid ka ba na super ka close? Tell mo muna sa kapatid mo para makapag bigay sayo ng advice and mahelp ka nya sa pagsabi sa parents nyo :) Kung wala naman, kayo ni BF ang magsabi sa parents mo, sana kapag sinabi mo happy kayo and your BF will tell na whole heartedly nyang itatake ang responsibility. Naauna lang yung baby but eventually magpapakasal din kayo :) Sa una magagalit sila or baka may nega reactions pero part talaga yun e. Tanggapin nyo na lang din pero for sure sooner or later magiging okay ang lahat 😊 Kase baka kapag pinatagal nyo pang hindi sabihin may masasabi pa sila sa inyo. Sa work mo, madaling sabihin sa amin na, wag mo sila isipin pero lalo na now a days dami talagang judgemental. Hehe! Pero kapag pinakita mo sa kanila na you are happy for the blessing. Sila din mahahawa, magiging happy din sila. And role model ka pa din kase you take the responsibility ng buong buo 😊 Kaya mo yan sis! Pray ka din kay God para sa guidance 😊🙏

Alm mo mami ndi mo kelngan isipin ung ssbhin sau ng ibang tao dhil sa pagbbuntis mo . Be proud na my blessing na dmating sau , tska ndi mo sla kelngan intndhin mas kelngan mo ispin ngaun ung baby mo , tska duh ! Wla slang ambag sa buhay mo pra intndhin mo ung pang mamata nla . Taas noo mo ipakita sa mga taong judgemental na may blessing na dumating sau . And sa family mo nman mami promise , ndi ka nla mattiis , although my sama ng loob na mrramdaman sla pero pag lumabas yang si baby mo mas magiging masaya 😊 laban lng mamsh ! Wag muna intndhin ssbhin sau ng ibang tao 😊😘 ako nga before ako makunan lage akong pnag uusapan dto sa lugar nmin , kesyo wla daw akong asawa , nbuntis lng daw ako . Hahaha 😂😂 ndi ko sla inintndi kse ndi nman ttoo e , may asawa ako sdya ndi lng nkkita kse gabi na nauwi galing trabho at tulog na mga chismosa ng gnung oras 😊 kya mamsh hyaan mo sla 😊😘 taas noo mo ipakita sknila na masaya ka at maayos ang buhay mo 😊😊

First. Kailangan mo ipaalam sa family mo yung tungkol sa pregnancy mo ngayon, unahin mo kausapin ang mom kasi nanay siya sigirado akong maiintindihan ka niya. Pangalawa ang dad mo, tsaka mo iharap ang bf mo pag alam na nila. I got pregnant at age of 24, same scenario sayo napaka taas ng expectation ng buong angkan ko sa akin, im taking up law during that time, natakot ako pero naniniwala kasi ako na truth will set me free. May unting sermon (inexpect ko na),at alam kong super disappointed sila pero kailangan ko manindigan. Sa umpisa medyo aloof ang tatay ko pero nung lumabas na ung apo niya mas kabado pa siya sa partner ko, at ngaun na 4yrs old na ung anak ko sobra silang protective at nakikita ko tlga na mahal na mahal nila ung apo nila. :) my partner and i got married 5mos after pagka panganak ko sa baby namin. you can do it,tell them :) family mo sila, walang ibang tao sa mundo ang pwedeng umunawa at magmahal sayo maliban sa pamilya mo :) godbless ♥️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles