Just want to share this, sobrang di ko makakalimutan nangyari kagabi. Usually nauuna kumain si baby, tas after nya saka kami kakain ni hubby, kagabi after kumain ni baby naging iritable sya, iba yung iyak nya, at naalarma na kami ni hubby ng biglang namutla ang kulay nya tas mawawalan ng malay, talagang nanginig ako sa nakita ko lalo na at tinawag nya ako "Mommyyyy" at nahihirapan na sya. Si hubby malakas ang pagtawag sa pangalan ni baby, pauilt-ulit na "Hikarie.. Hikarie.. Hikarie" habang pinapatpat yung likod nya, thankful talaga ako at may nabasa akong article dito sa TAP tungkol sa choking, sinundot ko ngalangala ni baby at pinindot yung taas ng tyan nya tapos nagsuka sya. Kahit sumuka na si baby dinala parin namin sa emergency, at doon inobserbahan, umiyak si baby dahil sa unfamiliar si doc sa kanya at pagkatapos nun naging okay na sya, bumalik na yung kulay nya at umuwi na kami. Kaya ngayon todo bantay talaga kami kay baby, marunong na magsubo at gumagapang na kasi, nakakatayo na rin magisa at malikot na kaya dapat talagang bantayan. Sobrang nakakatakot yung nangyari na pag naaalala ko talagang di ko maiwasang maluha at sisihin sarili ko. Thanks TAP kasi nakakatulong talaga yung mga articles at infos dito sa kagaya kong first time parent at walang kasama sa bahay, salamat din sa Dios dahil.nangyari yun na andon asawa ko at pangumaga yung shift nya. Wala rin kaming balak ikwento to sa mga kapamilya o kanino man, i post this to share awareness.
Anonymous